Tunog ng Pag-ibig...


Minsan naiisip ko na ang pag-ibig ay parang tunog na nagmumula sa bawat kalabit ng kwerdas sa gitara, may mga pag-ibig na maliit, payak at matinis gaya ng tunog sa unang kwerdas, meron din namang malaki at buong buo na gaya sa pinakahuling kwerdas, sa bawat pagkalabit ko nito'y nasasalamin ang ganda ng iba't ibang klase ng pag-ibig, may mga pag-ibig na mababa at mataas na nangangahulugan ng pagkukunwari at wagas. ano pa'y nagiiba iba ang tunog ng gitara, nagiiba iba rin ang bilis nito, may tunog na mabagal, na inihahalintulad ko sa pag-ibig na hindi maipahayag, meron namang mabilis na sumasalamin sa pag-ibig na di na pinagiisipan at padalos-dalos. Nais kong makatugtog ng isang awiting maipapahayag ko sa pamamagitan ng pagtugtog ko sa aking gitara, isang tunog na nangangahulugan ng pag-ibig, ano pa man ang sitwasyon na ating kinakaharap ngayon, ano pa mang sakit ang ating mga napagdaanan, tandaan, tugtugin lang natin ang pag-ibig, tangi kong dalangin sa maykapal na nawa, sa bawat tunog na lumalabas sa ating mga puso'y, tumunog ito ng tama at kahali halina, at di natin maranasan ang sintunadong tunog na bunga rin ng pag-ibig.