Ang sarap ng in-love. Sa unang beses niyo mag-date
tapos naramdaman niyo ang sinasabi nilang "spark"
nako, magkaharap palang kayo naiisip mo na ang bukas
Para matawagan mo na siya at maayang makipag-date
ulit.
pero sa susunod kayong dalawa na lang. Hindi ka
mapakali pag wala siya sa tabi mo o hindi mo siya
nakakausap sa isang araw, sigurado at sigurado
tatawagan mo siya sa opisina, sa bahay at pag wala
doon maglo-load ka sa cellphone mo at uubusuin
ang 300 na prepaid sa loob ng isang tawag na wala
naman ibang laman kundi bungisngis, kamustahan at
kuwento tungkol sa lahat ng sama ng loob mo sa mga
ex mo.
At ang goodbye sa telepono ay hindi matapos
tapos, hindi niyo malaman kung sino ang unang
magbababa at umaasa kang me "Take care" sa huli.
Me email pa yan sa umaga para masabi mo sa kanya na
masaya ka na nakapag-usap kayo.
Minsang gumimik kayo at upbeat ang sounds, hala!
sayaw ka kahit parehong Kaliwa nag mga paa mo,
pero gusto niyang sumayaw kaya sige sasayaw ka na
rin. Kahit ilang mule, arctic at sub-zero ang
orderin niya wala kang pakialam, mas mabuti nga kse
nga pwede mo na siyang akbayan at I-hug pag
medyo lasing na siya, pag hindi siya pumalag nako!
score! para kang nasa langit. Malamang, matapos mo
siyang ma-hug eh ayaw mo nang maligo at lagi mong
naaalala ang scent ng pabango niya na me halong
amoy alcohol na pero para sa yo mabango pa din siya.
At siyempre tuwing matapos kayong gumimik eh
ayaw mo pa rin matapos ang gabi kaya hihirit ka pa
ng coffee, kahit isandaan ang isang baso, "So what?!?"
kamo, pera lang yan ang importante kasama mo siya.
Masaya ka rin pag na-traffic kayo kse makakapagkwentuhan
pa kayo pauwi.
Matiyaga mong inaral ang pagda-drive ng
manual gamit lang ang isang kamay kse yun isa hawak
yun kamay niya o nakadantay sa hita niya habang
nagmamaneho ka.
Araw-araw magmamakaawa ka na ihatid mo siya at kung
pwede ka rin niyang Ihatid pauwi, at kung lulusot baka pati
lunch eh pwede na rin na kayo ang maging lunchmates.
Pag me free time ka eh nasa bookstore ka para magtingin
ng mga pwedeng ibigay na greeting cards. Nakalimutan
mo na ang barkada mo, para sa yo malaking abala lang
sila sa napakagandang lovelife mo kesehodang
magtampo pa sila sa yo at magsolian na kayo ng
kandila sa inaanak mo sa kanila.
At kung aalis man kayo hindi ka magkasya sa pagte-text
lang sa lab mo, kelangan mong pumunta sa banyo para
lang magkarinigan kayo pag tinawagan mo siya at sabihin
na hindi ka nag eenjoy at mas gusto mo na siya ang kasama.
Pagdating ng weekend nako para kang intsik! alas dies
pa lang ng umaga nasa kanila ka na at me dalang suhol na
breakfast para sa nanay niyang nakasimangot dahil natutulog
paang anak niya eh andun ka na.
Pagdating ng gabi kahit antok na antok na siya eh ayaw mo
pa ring umuwi, hinihintay mong makatulog siya sa mga bisig
mo para makanakaw ka ulit ng kiss. Iniisip mo rin kung kelan
ka kaya niya ipapakilala sa friends niya?
Nung kayo na, lahat ng monthsary ice-celebrate niyo,
me kasama pang surprise na regalo at date. At nde
miminsan mong nabanggit na gusto mo na siyang
Pakasalan at wala nang ibang babae sa puso at wala
ka nang makikita na katulad niya.
AFTER ONE YEAR
Mahal ang gimik sa bar, mas maganda kung kakain na
lang kayo sa Jollibee at manonood ng sine.
Wag na kayo magkape, masyadong mahal with matching
comment na "Leche, me ginto ba yan?"
Mas gusto mo nang kasama barkada mo dahil "minsan"
lang kayo magkita sa isang linggo.
Pagkahatid mo sa kanya, nagmamadali kang umuwi sa
gabi dahil pagod ka na sa trabaho.
Pumapasok at umuuwi na siya mag-isa dahil hindi mo
siya masusundo dahil puyat ka.
Syet! wag ka niyang pipiliting sumayaw at nakakahiya.
Anong tawag? Sa load mong 300, mauubos yun at 1
beses mo lang tinext (against 245 na text niya sa yo)
at 3 minutes mo siyang natawagan. Naubos ang load
mo kakatawag sa mga barkada mo at kaka forward
ng joke sa kanila.
Pag weekend mas gusto mong manood na lang ng TV o
matulog. Pupunta ka lang Pag tumawag na siya at
nagmamakaawang dalawin mo naman siya at me suhol
na ipinagluto ka niya.
Kahit automatic na kotse mo nde mo pa rin makuhang
hawakan ang kamay niya habang nagmamaneho ka.
Magastos ang mga monthsary, kung anniversary niyo
nga eh wala kang regalo, monthsary pa?!?
Mag-uusap kayo? Baket me problema ba? Kung wala,
isang oras kang manonood ng TV habang siya eh
nakatulog na kahihintay na kausapin mo siya.
Miss na niyang ini-email mo siya,sagot mo? "Jusko
naman araw-araw na Tayong nag-uusap ano pa ba
naman ang sasabihin ko sa yo? Baka gusto mo pa ng
card?!?"
Pag aayain ka niya para gumimik with her friends ang
sagot mo? "Utang na loob, kung gusto mong lumabas
kasama friends mo ikaw na lang mag-isa at naiilang ako."
Pero pag lalabas kayo with your friends umiinit ulo
mo pag tahimik siya pag nagjo-joke sila tungkol sa inyo
ng ex mo sabay tanong "Hindi ka ba nag-eenjoy?
Bwiset, umuwi na nga lang tayo!"
At tungkol naman sa kasal..."Jusko naman, hindi mo ba
ako maintindihan?!? Wala pa akong pera saka nde ko
naiisip yan ngayon! Sana wag ka namang makulit."
Sa lahat ng ito, ngingiti na lang siya, iisipin lahat ng
ginagawa mo noong nanliligaw ka pa lamang umaasa
pa na babalik yun dati sabay buntung-hininga at sabi
ng malakas..."Kay sarap ng in-love."