Babae sa tindahan ng CD



Mayroong isang lalake na naghihirap dahil sa kaniyang sakit na kanser.... Kanser na hindi na
kaya pang malunasan. Siya ay labing-walong taong gulang at maari niya itong ikamatay kahit anong oras.
Sa buong buhay niya, namalagi lamang siya sa loob ng kanilang tahanan habang inaaruga ng kaniyang
ina. Ni minsan pa'y di siya lumabas, pero naiinip narin siya na palagi siyang nasa loob lang ng kanilang bahay
at nais niya na makalabas naman kahit isang beses lang. Kaya dali dali niyang kinausap ang kaniyang
ina at sumangayon naman ito sa nais niyang mangyari.


Kung kaya't lumabas siya at naglakad lakad, nakakita siya ng maraming tindahan. Sa kaniyang paglalakad
napadaan siya sa isang tindahan ng CD, tinitingnan niya ang pintuan nito habang nagdadaan siya. Siya'y huminto
at bumalik upang pumasok sa tindahang iyon. Nakakita siya ng isang babae na halos
kasing edad niya at naramdaman niya na yun ang tinatawag na "Love at First Sight". Binuksan niya ang pinto
at tuluyan ng pumasok, wala siyang ibang tiningnan kundi yung babae lang. Lumakad siya papalapit ng
papalapit hanggang sa tuluyan na niyang nalapitan ang lamesa kung san nakaupo ito.


Kung kaya napatingala ang babae at nagsabing. "Ano ang maipaglilingkod ko sayo?"
Siya'y ngumiti at naramdaman ng lalake na yun na ang pinakamagandang ngiti na nakita niya at nais
niyang halikan ang mga labing iyon.


Kung kaya't siyay nagwika, "Ah eh..... Oo.. hmmm... Gusto kong bumili ng CD."


At siya'y dumukot ng pera at bumili siya ng isang CD... "Gusto mo bang balutin ko ito para sayo?" wika ng babae,
kasabay muli ang maaliwalas na ngiti sa kaniyang mga labi.


Napatango ang lalake at nagtungo ang babae sa likod at sa kaniyang pagbabalik dala nito ang kaniyang nakabalot na CD.


Kinuha niya ito at lumabas na sa tindahang iyon at umuwi sa kanilang tahanan. Simula non, araw araw ng nagtutungo ang
lalake sa tindahang iyon upang bumili ng CD, at palagi ding binabalot ng babae ang kaniyang binili. Inuuwi niya sa kanilang
tahanan ang kaniyang biniling CD at nilalagay niya ito sa kaniyang aparador. Nahihiya parin siyang kausapin ang babae,
kahit gustong gusto niyang gawin, hindi niya parin itong magawa. Nang katagala'y nalaman ng kaniyang ina ang tungkol sa
bagay na ito at sinangayunan ng ina na marapat ng kausapin ng kaniyang anak ang babae.


Kung kaya't ng sumunod na araw ay nagtungo siya muli sa tindahang iyon. Bumili siya uli ng CD gaya ng palagi niyang
ginagawa at muling nagtungo ang babae sa likod at sa kaniyang pagbabalik ay iniabot niyang muli ang nakabalot niyang
pinamili. Kinuha niya ito at ng di nakatingin ang babae ay iniwan niya ang numero ng kanilang telepono sa lamesa kung san
naroon ang babae at dali dali na siyang umalis.


RING! ! !


Inangat ng ina ang telepono ... "Hello?"
Yun ang babae! hinahanap niya ang lalake at nagsimula ng umiyak ang ina habang
sinasabing, "Hindi mo alam? na siya'y namatay na kahapon...."


Tumahimik ang linya at tanging naririnig na lamang ay ang patuloy na pagtangis ng ina. Maya-maya pa'y
nagtungo ang ina sa silid ng kaniyang anak, sapagka't nais niyang maalala ito. Naisip niya na nais niyang
simulang tingnan ang kaniyang mga damit kung kaya't binuksan niya ang aparador at bumungad sa kaniya
ang patong patong na CD na nakabalot pa at di nagagalaw. Siya'y namangha ng masumpungan niya ang lahat
ng iyon at kumuha siya ng isa at naupo sa higaan at sinimulan niyang buksan 'yon.


Sa loob non, nakapaloob ang isang CD kung kaya't kinuha niya ito palabas sa pinagbalutan nito, nahulog
ang isang kapiraso ng papel. Dinampot ito ng ina at sinimulang basahin. Ang wika:


Hi... Sa tingin ko cute ka
Gusto mo bang lumabas kasama ako?
Nagmamahal,
Jacelyn


Binuksan muli ng ina ang isa pang CD...
muli meron uli itong kapiraso ng papel. na nagsasabing:


Hi... Sa tingin ko cute ka
Gusto mo bang lumabas kasama ako?
Nagmamahal,
Jacelyn


Wakas !....