Kailan...

By: Jay-el


Isang araw sa buhay ko ikaw ay aking napagmasdan,
sa isang bulwagang tahimik, na aking napuntahan,
tibok ng puso ko'y animo'y may kapaligsahan,
mabilis na naramdaman, pagsintang inaasam.


Pagsuyong tinatahak tanging sa panaginip nabubuhay,
sigaw ng katahimikan, di masabi ang tinataglay,
ngiti ng puso kong ito'y sayo lamang idadantay,
pag-ibig na nga ba ito o sadyang pagsintang nagkakulay.


Sa tuwing napagmamasdan malaanghel mong kagandahan,
di mapigil ang damdaming sayo lamang ilalaan,
ngunit batid kong paa kong ito'y nakatanikala,
di ka malapitan hakbang ma'y di ko magawa.


kailan ko mararamdaman ang tamis sa piling mo?,
kailan ko maririnig ang bulong ng pagsuyo?,
kung hanggang sa oras na ito'y di mabigkas ang kataga
pagsintang inaasam, maglalahong parang bula.

Ikaw lamang Pala

Ikaw Lamang Pala, by Babsie Molina and Edith and sung by Dexter narinig kong kinakanta rin ito ng ate ko, bakit alam niya agad eh kakabili ko lang ng CD ni Dexter, nalaman ko na dati pa daw ang kantang ito and he was not the original singer of this song, yet masiyado kong naaliw sa ganda ng song kaya't isinama ko narin ito dito sa Kahulugan ng Pag-ibig... ito ang buong lyrics ng kanta.



Verse I

Tuwang tuwa ng ikaw ay makitang muli,
heto na siguro ang hinihintay na sandali,
sumisikip ang dibdib sa naghalong tuwa't kaba,
paano masasabi ko kaya sayo.

Verse II

Gulong gulo ang isip at palaging naron ka,
dahil nasa puso ay isang kaibigan pala,
lumalakas lang ang loob pag ika'y malayo pa,
akalain ko bang ikaw lamang pala.

Chorus:

Ang hinihintay at hinahanap kung saan-saan,
ang isasama at ihaharap sa kinabukasan,
ang kinakailangan ko ng di na mag-isa,
mula ngayon hanggang katapusan.

Verse III

Tuwang-tuwa at tayo'y nagkausap muli,
heto na siguro pinakahihintay na sandali,
sumisikip ang dibdib sa naghalong tuwa't kaba,
paano ko kaya nasabi sa'yo.

(Ulitin Verse II & Chorus2x)

Yes Jesus Loves Me :)



Kahit na gaano tayo makasalanan, patuloy parin tayong minamahal ng ating Panginoon, kung kaya't 'wag tayong mawalan ng pag-asa, bagkus manumbalik tayo sa kaniyang paanan at tanggapin na tayo'y makasalanan, Ang Diyos ay Pag-ibig (1 Juan 4:16) kung kaya'y ihingi natin ng kapatawaran ang lahat nating kasalanan at manumbalik sa kaniyang paanan upang malinis niya tayo ayon sa (Isaias 1:18)... Pagpalain nawa tayo ng mahal na Panginoon... :)

Logic?

Gustong gusto ko ang pgsagot sa mga Logic, at ang bagay na ito ay talagang challenging kung kaya't narito at isishare ko sa inyo ang dalawang Logic na may connect sa nararamdaman ng isang nagmamahal...



(: n ƃuıssıɯ puɐ ǝʌol uı ƃuıllɐɟ :ʇoƃɐs

Primarital

Isang article na nakuha noong taong 2007 sa isang pahayagan...


If you love someone, when's the right time to sleep with your partner? Should it be after a year of a steady relationship or after a month of having known your lover? Should you go all the way before you walk misty-eyed down the aisle or should it be after your love has been signed in ink and blessed by the church? Is sex, then, a gauge of love? Does love beget sex? Or sex begets love? Tough, huh? I know. Answers vary from what you believe in and stand for? beliefs and principles,which are influenced by your family, friends, and your environment. But with all these, it's you who should draw the line. Not some books.Not some traditions. Not them. But YOU.

True, time plays a significant role in a relationship. You'd get to know your partner's personality through the times you both spend together. But does a longer engagement enable you to know him that well? How about five years of long distance relationship? Would that weigh heavier than five months of constant conversation? Again, situation varies. Time here connotes not the number of years, but it insinuates the quality time you both have after disagreeing to incessantly agree with each other. Assuming you already know him, plus that honest feeling that you love him, should you give your all before saying the scratched line "I do"? Mmm, If you believe in sex as one of the thousand ways to express that vague, mushy feeling called "love", then "I do" agree with you. Love is so abstract? that's actually an underestimation. You ought to let that feeling known to your partner. You ought to concretize love through your actions. Sending romantic text messages through the airwaves is one act of love (a little bit pricey though). Compromises and sacrifices (but not being stupid) are also counted in. Patience and kindness (and among others) sighted in Corinthians 13 are brilliant signs that love is at work. And the list is endless. For so long as you honestly know you're making love with your partner,that's valid. But if you share the night with your boyfriend just to satisfy your oozing carnal desires and to explore your sexuality, that's another story. If you go around telling people you got down with your date since you already love him, but deep inside you know you were racing with your hormones, then, you're cheating yourself! You can fool others, but definitely not yourself. Now, if you had sex with your boyfriend and it turns out you're not meant to grow old together, should you regret those nights? Should you curse your boyfriend? Blame yourself? Question your fate? You should regret it if you let your hormones rule over your rational thinking.

You should blame yourself (not that nasty boyfriend) if you did it for experimentation. You should question your values (not fate) if you weren't honest about yourself. But if you gave your all to him believing he's special, tried to work the relationship out, and you realize you're both better off to say goodbye, then you shouldn't feel less of a person. If you don't end up with him,just be contented because you gave love and you were loved even just fora while. The genuine feelings that painted mem'ries in your heart will make you smile telling your grandkids, Ahh, that guy. Though we didn't end up together, I know we've shared some precious time. So, love expressed through sex before any eternal vows is not immoral.Yanking off every guy you meet and justifying that sexual activities by some im-only-human-bound-to-be-tempted reasons is immoral. Why? Sex is the ultimate act of trust. You just don't trust every hot, sexy guy you had dinner with. Regarding virginity as a gift to your husband, that man is one damn lucky guy! And I salute those who were able to chastise themselves until marriage. Just imagine this. You flash that triumphant smile as you wear that exquisitely designed pure white bridal gown, your proudIy-m-the-first-guy-to-touch-her partner eagerly waiting at the altar, and those impatient I-told-you-that-couple-is-really-meant-for-each-otherwell-wishers standing in every corner all make a near perfect wedding.Don't you think so? It does. It really does. But reality check? Saving yourself for that one true guy is not an assurance that he's going to stick around for as long as you both shall live. If you believe sharing your first night in some fancy island is a promise that he'll be yours until you both lose your teeth, you better wake up.

Virginity does not make up the totality of your being. And if that guy married you for that reason alone, then he's just one of the chauvinistic, egocentric, oh-so-loser guys! You see, when feelings turn cold, love warms it up not sex. When fights heat up, love calms it down not sex. When problems come, love finds a way not sex.
When things go wrong, love understands not sex. When hope is fading, love inspires not sex. When faith is waning, love trusts not sex. At the end of the day, love still prevails.

Zodiac Signs and the way they Kiss

Ito'y nakuha ko year 2008 sa isang zodiac dictionary...


Aries: Your kisses are quick and passionate fits of lustful pleasure that are there and then gone.

Taurus: Your kisses linger; they are deliberate, heartfelt and they can go on and on and on.

Gemini: Your kisses are interrupted by spasms of giggles, smiles and funny observations.

Cancer: Your kisses are warm and tender, and you never want to let them go.

Leo: Your kisses are wild and uninhibited, biting and clawing, you expect applause for your performance.

Virgo: Your kisses are so subtle and tidy, your lover only notices them once you've finished.

Libra: You're too busy worrying about your breath to really get into your kisses.

Scorpio: You skip the kiss and get straight to whatever comes next for you.

Sagittarius: Your kisses are surprising, spontaneous affairs that leave the kissed wanting more.

Capricorn: Your kisses are intense moments of sublime relief from the stress of your day.

Aquarius: Your kisses are wet and messy, and you tend to keep your eyes open.

Pisces: Your kisses are starry-eyed, amorous and long-lasting.

Haay... Pag-ibig Nga Naman...

Sa mga simpleng daga lang eh takot na takot kana
pag nakakakita ka, pero dahil sa pag-ibig...
 kahit napakaduwag mo, nagiging matapang ka,
para lamang sa taong minamahal mo.

Likas na sa atin na mainip kapag ang tagal
tagal nating naghihintay... pero dahil
sa pag-ibig, ok lang na saputan ka na
ng gagamba sa tagal basta masaya
ka parin na magkikita kayo.

Kapag ikaw lang mag-isa, sapat na na
kumain ka nalang ng mga instant food
pero dahil sa pag-ibig, nakakapag
luto ka ng mga especial para
lamang sa taong mahal mo.

Minsan kahit na ikaw nalang ang magyelo sa
lamig, titiisin mo. basta masigurado mo
lang na siya'y di lalamigin at
safe na kasama mo.

Sa mga simpleng kagat ng lamok o insekto'y
naiiyak ka na sa sakit pero dahil sa
pag-ibig, kahit na habulin at kagatin
ka ng mga aso sa eskinita nila ayos
lang, maiabot mo lang ang bulaklak
na pinitas mo para sa kaniya.

Kahit alam mong mahal ang isang piraso ng rosas,
para sa taong mahal mo, bibili ka ng isang
bunton ng naggagandahang mga rosas dahil
alam mong iyon ang magpapasaya 
sa kaniya.

Haay, Pag-ibig nga naman... ;)

Credit kay Hjstory para
sa cute pics na ginamit
ko... ^^

Tatlong Kwento

Una...


Merong isang babaeng kinamumuhian ang kaniyang sarili dahil siya'y isang bulag. Lahat ay kaniyang kinamumuhian, maliban sa kaniyang boyfriend. Sapagka't ganun na lamang ipinararamdam sa kaniya ng kaniyang boyfriend kung gaano siya kahalaga. Sinabi niya na kung makikita ko lamang ang ganda ng mundo, papakasalan ko ang boyfriend ko.


Isang araw, may isang nagbigay ng pares ng mga mata sa kaniya at muli siyang nakakita, nasilayan niya ang lahat ganun din ang kaniyang boyfriend.


Sabi ng kaniyang boyfriend, "Ngayong nakikita mo na ang ganda ng mundo, maari mo na ba akong pakasalan?" Nagulat ang babae ng makita niya na ang kaniyang kasintahan ay bulag rin, kung kaya't
tinanggihan niya itong pakasalan.


Papalayong lumakad ang lalaki habang di nito mapigilan ang pag-iyak, at kalauna'y nagpadala siya ng isang sulat sa kaniyang minamahal na nagsasabing..... "Mahal ko, pakaingatan mong mabuti ang mga mata ko ha." lagi kitang mamahalan magpasawalang hanggan...


Ikalawa...


Isang babae ang nagmamadaling idial ang kaniyang telepono at naghintay hanggang sa marinig niya sa kabilang linya ang pag-angat nito.


Becky, Di ko na alam ang gagawin ko, basta di ko na alam. Mahal na mahal ko siya ngunit di ko alam kung ganun din ang nararamdaman niya para sakin. Ibig kong sabihin, sa tuwing nakikita ko siya o naiisip, di ko mapigilan ang sarili ko, itong ngiti sa aking mga labi. Minsan nakikita niya akong nakangiti at tinutugon din naman niya ito ng ngiti. Na nagbibigay dahilan para manginig ang tuhod ko dahil sa hiya at magkaroon ng paro paro ang
sikmura ko. Alam ko iniisip mo na siya'y nakakagiliw at cute, ngunit kung titingnan mo ang mga bagay higit dun, at makikinig sa mga bagay na kaniyang sinasabi, masusumpungan mo ang iba niyang pagkatao. Siya'y maalalahanin at maunawain at para niyang pinaparamdam na di ako nararapat para sa kaniya. Haaay, ang totoo, di ako nararapat para sa kaniya. Masyado siyang perfect, uhmmm ibig kong sabihin, tingnan mo yung mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Hindi ako magiging isa sa kanila. Lahat sila'y magaganda at may magandang pangangatawan at... di tulad ko. Di ko maikumpara ang sarili ko sa kanila. Pero sa tuwing naiisip ko siya o nakikita, hindi ko mapigilan ang sarili ko, napapangiti ako. Ngayon, ayaw ko sanag sabihin ito sayo pero tumawag siya sakin nakaraang araw tungkol sa takdang aralin natin. Sasabihin ko sayo ngayon, para kong baliw, nahihiya ako. Nauutal ako madalas pero mapagpasensiya siya... sweet at patuloy paring nakikipagusap sakin na naging dahilan upang mas lalong gumaan ang pkiramdam ko. Masyado siyang perfect Becky, hindi ako nararapat para sa kaniya, kaya bakit umaaasa parin ako at nananalangin na sana'y mapansin niya ako, bakit? ...........Becky? Becky nandiyan ka pa ba?


Hindi ito si Becky.


Nagulat ang babae at nagtanong, "Eh, sino ito?"


Ito yung lalaking may ngiting nagpapanginig sa mga tuhod mo dahil sa hiya at nais kong sabihin ang isang bagay sa'yo. Lahat lahat ng sinabi mo ngayon, ay matagal ko ng gustong marinig mula pa ng araw na nakilala kita.


Ikatlo...


Isang babae ang nakaupo  sa isang estasyon ng gas na kaniyang pinagtatrabahuhan. Nang siya'y mapatingin nakita niya ang kaniyang boyfriend na pumasok sa bilihan ng makakain, isang lalake ang pumasok at tinutukan ng baril ang babae. Gusto ng lalaking ito na makuha ang kaniyang singsing na ibinigay pa ng kaniyang boyfriend sa kaniya tanda ng kaniyang pagmamahal sa babae. Nang kinukuha na ito ng lalakeng may baril, siya'y tumanggi napatingin ang kaniyang boyfriend eksakto sa oras ng pagbaril ng lalake sa kaniyang girlfriend. Dali dali siyang nagtungo roon at pinalo ng martilyo ang ulo ng holdaper. At tumakbo upang tumawag sa mga pulis. Nang dumating ang ambulansya, di mapigilan ng lalake ang pag-iyak sa tabi ng kaniyang girlfriend.


Lumapit ang doktor at kinapa ang pulso ng babae. At tumayo at sinabing... "Buhay pa siya"... 


Sa ospital, katabi ng lalake ang kaniyang girlfriend, siya'y nagtanong.... "Bakit hindi mo nalang ibinigay sa lalake yung singsing?"


Mahinang tumugon ang babae... "Dahil nung oras na binigay mo sakin ang singsing na ito, sinabi mong ito'y tanda ng iyong pag-ibig mo sa akin at alam kong kung ibibigay ko 'to sa kaniya, maaring mawala ko ang pag-ibig na 'yon"


Nang sumunod na araw, siya'y binawian ng buhay....

Love Letter ng isang Math Teacher



My Dear SweetHeart, 


Yesterday, I was passing by your rectangular house in trigonometric lane. 


There I saw you with your cute circular face,conical nose and spherical eyes,standing in your triangular garden.  


Before seeing you my heart was a null set, but when a vector of magnitude (likeness) from your eyes at a deviation of theta radians made a tangent to my heart, it differentiated. 


My love for you is a quadratic equation with real roots, which only you can solve by making good binary relation with me. 


The cosine of my love for you extends to infinity. 


I promise that I should not resolve you into partial functions but if I do so, you can integrate me by applying the limits from zero to infinity. 


You are as essential to me as an element to a set. 


The geometry of my life revolves around your acute personality. 


My love, if you do not meet me at parabola restaurant on date 10 at sunset, when the sun is making an angle of 160 degrees, my heart would be like a solved polynomial of degree 10. 


With love from your higher order derivatives of maxima and minima, of an unknown function. 

Kalahating Oras sa langit

Maikling Kuwento ni Rhom Peña 




“Tatawagan kita pagdating ko sa langit makalipas ang kalahating oras matapos akong mailibing. Huwag kang malulungkot dahil mahal na mahal kita Rohan at mananatili ka sa puso ko at sana  manatili rin ako sa puso mo. Mahintay mo sana  ang tawag ko.”


Ito ang huling bilin sa akin ni Didrei bago niya ako tuluyang iwan. Huling bilin na kailanman ay hindi ko naunawaan.


Halos pumanaw na rin ang puso ko noong nawala siya. Hindi ko na masisilayan ang maamo niyang mukha na sa tuwing titingnan ko’y napapawi ang aking patung-patong na problema. Wala na siya. Wala na ang nagmamahal sa akin. Wala na ang nagparamdam sa akin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Pag-ibig habambuhay na kahit sumapit sa kamatayan ay walang hinihintay na kapalit.


Ang bawat panimdim ay niyakap ng mga ngiti sa labi habang inuugoy ng malamyos na hangin ang tapat naming pagmamahalan. Hindi ko na siya makakasama kahit sandali man lamang. Hindi ko na maiguguhit muli ang pigura ng mukha niya na pumapailanlang sa lahat sa tuwing makikita ko siya. Hindi ko na siya mayayakap muli. Hindi ko na mahahagkan ang malambot niyang labi na sa tuwing inilalapat ko ang aking labi ay dumadaloy ang likido ng aking wagas na pagsinta.


Hindi ko na maririnig ang kaniyang tinig. Tinig na tila anghel na gumagabay at tumatanglaw habang ako’y nabubuhay. Kahit sa cellphone ay hindi ko na maririnig ang boses na hinahanap-hanap kong parati. Hindi ko na siya makakasama. Hindi na! Wala na siya. Hindi ko na madarama ang tibok ng puso niya. Humiwalay nang tuluyan ang kaluluwa niya sa katawang panlupa at tuluyang nilamon ng kawalan ng daigdig nang dahil sa Leukemia.


“Ano ang ibig sabihin ni Didrei na tatawagan niya ako pagkalipas ng kalahating oras pagkalibing niya?” Palagi kong tanong sa aking sarili.


Paano niya ako matatawagan dito sa lupa pagkalipas ng kalahating oras? Hinding-hindi ito maalis sa aking isip at patuloy itong umuukit sa aking kabuuan. Tanong na kailanman ay hindi ko mabatid ang kasagutan.


Iniisip ko na lang na marahil ay magpaparamdam siya gamit ang cellphone. Hindi ako umalis sa puntod matapos siyang mailibing. Naghintay ako nang mahigit sa kalahating oras ngunit hindi siya tumawag. Sabik na sabik pa naman ako na kahit sandali ay marinig ko pa ang kaniyang tinig. Tinig na sana’y patuloy na gagabay sa akin kahit malayo na siya. Tinig na sana’y papawi sa kalungkutang kumukubkob sa aking puso, isip, kaluluwa at sa aking pagkatao.


Wala na rin ang mga pangarap namin. Wala na ang buhay na binabalak naming buuin. Wala na rin ang plano naming tahanan na sana’y kukupkop sa amin kapag kami’y naging isa na. Sa pagpanaw niya ay pumanaw na rin ang lahat para sa akin. Pumanaw na ang aming mithiin na malapit na sanang matupad. Pumanaw na ang bukas para sa akin. Ang tanging pangako niya na hindi ko binitiwan ay ang pangako niya na mamahalin ako magpakailanman.


“Magpapakasal tayo, dalawang taon pagkatapos nating grumadweyt.”


Ito ang sinabi ko sa kanya habang hawak-hawak ang maligamgam niyang kamay sa dalampasigan ng dagat Tuhian nang minsang magbakasyon kami sa amin, sa Quezon. Sembreak noon, isang semestre na lang at magtatapos na kami. Pagkalipas ng dalawang taon matapos naming tanggapin ang diploma ay magiging isa na kami. Pangako namin iyon sa isa’t isa. Pangako na hanggang ngayo’y nakatatak pa sa puso ko. Pangako ng pagmamahalan. Pangako na kailanman ay hindi ko malilimutan.


“Oo, magpapakasal tayo, pangako.” Ito ang marahang lumabas sa kanyang labi habang humihigpit ang yakap ng mga daliri niya sa aking mga daliri.


Ngunit ngayon ay nag-iisa na ako. Kalahating taon na lang ay mawawakasan na sana namin ang pagiging magkasintahan at magiging mag-asawa na kami. Pero naglaho agad iyon. Naglaho na parang pakakak ng ibon sa gitna ng nakaumang na kamatayan. Kamatayang dulot ng paglamon ng masama at traydor na nananalaytay na likido sa kabuuan ng kanyang katawan. Hindi ko na siya makakasama. Wala na siya! Hindi ko na madarama ang tibok ng puso niya. Humiwalay nang tuluyan ang kaluluwa niya sa katawang panlupa at tuluyang nilamon ng kawalan ng daigdig nang dahil sa Leukemia.


Ang dati kong sigla ay naparam. Nawala na rin ang mga pangarap ko buhat ng mawala si Didrei. Parang ayaw ko nang ipagpatuloy ang buhay ko. Isang uod na lumalamon sa katauhan ko ang pagkawala niya. Lumipas ang panahon ay pinilit kong ibsan ang pait sa puso ko. Pinaibabawan ko ng isang hindi ganap na pag-ibig ang pangungulila sa kanya.


Matagal ko na ring kilala si Nicole. Noong nasa kolehiyo pa lang ako ay alam kong hinahangaan na niya ako. Nagpatuloy iyon hanggang sa umamin siya sa akin sa hindi inaasahang pagkakataon sa isang Love Booth noong Acquaintance Party ng kolehiyo namin.


“Rohan, alam mo bang dati pa ay hinahangaan na kita at ngayon ay mahal na ata kita. Sabihin man ng iba na mali na ang babae ang magtapat ng pagmamahal sa lalaki pero sinasabi ko lang ang nararamdaman ko.” Ito ang sabi ni Nicole habang kami lang dalawa sa booth.


Pero iba ang mahal ko noon at si Didrei iyon. Nararamdaman ko na malapit na akong sagutin ni Didrei kaya hindi ko na pinansin kung anuman ang nararamdaman sa akin ni Nicole. Maganda si Nicole, morena at kaaya-aya ang hubog ng pangangatawan. Pero si Didrei ang tinitibok ng puso ko. Maamo ang kanyang mukha, mayumi kung kumilos at magsalita. Pareho ko silang kamag-aral noon sa kolehiyo.


Sa pagpanaw ni Didrei ay biglang bumalik sa buhay ko si Nicole. Ipinalasap niya sa akin ang buo niyang pagmamahal ngunit kahit kailan ay hindi ko ito nagawang suklian. Lagi ko pa ring naiisip si Didrei kahit alam kong wala na siya. Lagi kong hinahanap-hanap ang yakap niya. Pilit kong inaaninag sa mukha ni Nicole ang maamong mukha ni Didrei, kahit ilusyon lang ang lahat. Ilusyong bunga ng pangungulila na dumadarang para magbago ang takbo ng buhay ko.


Pinakasalan ko si Nicole kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ganap ang pagmamahal ko sa kaniya at kailanman ay hindi magiging ganap. Nagkaroon kami ng dalawang anak. Nalulong ako sa paglalasing. Nalulong ako sa pagsusugal. Nalulong ako sa mga bisyong akala ko ay magpapalimot sa akin sa mga alaala ko kay Didrei. Nalulong ang pagkatao ko sa masamang pita ng laman na dati’y hindi man lang sumagi sa isip ko noong kapiling ko pa si Didrei. At kung siya ang kasalo ko, ay hinding-hindi ko magagawa ang mga kahibangan kong iyon.


Dalawampung taon ang lumipas. Pasado alas-dose ng madaling araw ng unang petsa ng Nobyembre ay nagising ako dahil sa malakas na tunog ng aking cellphone. Pinilit kong abutin ang cellphone na nakapatong sa lamesitang katabi ng kama. Nakatalikod sa akin ang aking asawa na mahimbing na ang tulog. Hindi ko na tiningnan sa screen ng cellphone kung sino ang tumatawag sa halip ay dali-dali kong pinindot ang buton.


“Hello sino ‘to?” Ang banayad kong tugon sa tumatawag. Medyo matagal bago sumagot ang kausap ko.


“Si Didrei ito Rohan.” Halos kilabutan ako noon. Pero madali akong naniwala dahil alam kong boses nga niya at ang boses na iyon ang boses na matagal ko nang kinasasabikang marinig.


“Didreiiiiii, mahal ko! Mabuti at tinawagan mo ako, matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito. Ngunit bakit ang tagal bago mo tinupad ang sinabi mo na tatawag ka makalipas ang kalahating oras pagkatapos mong mailibing? Bakit ngayon lang?” Ang naibulalas ko habang hindi na mapigil ang pagpatak ng likidong nagmumula sa aking mga mata.


“Kalahating oras pa lang naman ang nakararaan Rohan at tinupad ko ang sinabi ko,” sagot ni Didrei sa akin.


Nagulumihanan ako sa sinabi niyang iyon, mahigit dalawampung taon na mula nang iwan niya ako. Tinapik ko ang aking pisngi sa pag-aakalang nananaginip lang ako. Hindi pala, totoo na talagang kausap ko si Didrei.


“Kamusta ka na mahal ko? Sabik na sabik na akong muli kang makita, makausap at makasama.” Patuloy na tanong ko habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko. Nagawa ko pang mangamusta kahit na alam kong patay na siya. Hindi ko na siya makakasama. Wala na siya! Hindi ko na madarama ang tibok ng puso niya. Humiwalay nang tuluyan ang kaluluwa niya sa katawang panlupa at tuluyang nilamon ng kawalan ng daigdig nang dahil sa Leukemia. Ito ang katotohanan na hindi ko matanggap.


“Mabuti naman ako, nandito ako sa puso mo, ang tunay na langit. Dito’y wala ng hapis, wala ng dusa, wala ng pighati, wala ng lungkot at panambitan. Dito ay pawang kasiyahan na lamang at wala ng kamatayan. Alam kong nalungkot ka nang mawala ako pero hindi naman talaga ako nawala dahil ang kabiyak ng puso mo ngayon ay ako. At ang buhay na balak nating buuin ay kapiling mo na ngayon, ang dalawa mong anak. Sila ang bunga ng pagmamahalan natin.” Ang sagot ni Didrei at tuluyan ng nalagot ang linya ng aming usapan.


Natulala ako sa mga pangyayari. Mahabang katahimikan ang bumalot sa loob ng silid. Mahabang luha na hindi mapatid-patid ang pagdaloy sa aking buong pagkatao.


Mahabang panahon ang lumipas at ang pinakahihintay ay biglang magaganap. Mahabang serye ng pagmamahal na hindi tinutuldukan ng anumang hadlang.


Nabasag ng hampas ng hangin ang katahimikan. Tumayo ako para isara sana ang bintana ng aming silid. Isang malakas na ihip ang dumampi sa aking mukha. Sa lamesita ay biglang bumukas ang pahina ng isang makapal na aklat. Walang pagtigil ang paglipat ng mga pahina ng aklat dahil sa patuloy na pag-ihip ng hangin. Nilapitan ko ang lamesita at nalaman kong Biblia pala iyon. Sa paglapit ko’y huminto ang malakas na ihip ng hangin at huminto ang paglipat ng mga pahina. Natuon ang mga mata ko sa isang linya sa Biblia at aking nabasa sa ikalawang Pedro 3:8.


“Ang isang araw sa Panginoon ay isanlibong taon sa tao.”


Doon napagtanto ko na kung ang isang araw sa langit ay katumbas ng isanlibong taon dito sa lupa. Nangangahulugang ang isang oras sa langit ay katumabas ng apatnapu’t isang taon at walong buwan dito sa lupa. Ang kalahating oras sa langit ay katumbas ng dalawampung taon at sampung buwan sa tao. Ito ang sinasabi ni Didrei na kalahating oras.


Nagising si Nicole mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nilapitan ko siya at hinagkan ang kanyang mga labi at niyakap.


“Mula ngayon ay mababago na ako, mamahalin kita at ang ating mga anak ng higit pa sa aking buhay.”


Dalawampung taon ang lumipas. Pasado alas-dose ng madaling araw ng unang petsa ng Nobyembre. Nagising si Nicole mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa malakas na tunog ng cellphone. Pinilit niyang abutin ang cellphone sa lamesitang katabi ng kama. Tiningnan niya ang screen upang malaman kung sino ang tumatawag ngunit numero lang ang nakita niya.


“Han gising, may tumatawag!”


“Han may tumatawag!”


“Rohan may tumatawag!”


Hindi na lumiwanag ang madaling-araw. Umiyak ng umiyak si Nicole at hindi makapaniwala.

Babae sa tindahan ng CD



Mayroong isang lalake na naghihirap dahil sa kaniyang sakit na kanser.... Kanser na hindi na
kaya pang malunasan. Siya ay labing-walong taong gulang at maari niya itong ikamatay kahit anong oras.
Sa buong buhay niya, namalagi lamang siya sa loob ng kanilang tahanan habang inaaruga ng kaniyang
ina. Ni minsan pa'y di siya lumabas, pero naiinip narin siya na palagi siyang nasa loob lang ng kanilang bahay
at nais niya na makalabas naman kahit isang beses lang. Kaya dali dali niyang kinausap ang kaniyang
ina at sumangayon naman ito sa nais niyang mangyari.


Kung kaya't lumabas siya at naglakad lakad, nakakita siya ng maraming tindahan. Sa kaniyang paglalakad
napadaan siya sa isang tindahan ng CD, tinitingnan niya ang pintuan nito habang nagdadaan siya. Siya'y huminto
at bumalik upang pumasok sa tindahang iyon. Nakakita siya ng isang babae na halos
kasing edad niya at naramdaman niya na yun ang tinatawag na "Love at First Sight". Binuksan niya ang pinto
at tuluyan ng pumasok, wala siyang ibang tiningnan kundi yung babae lang. Lumakad siya papalapit ng
papalapit hanggang sa tuluyan na niyang nalapitan ang lamesa kung san nakaupo ito.


Kung kaya napatingala ang babae at nagsabing. "Ano ang maipaglilingkod ko sayo?"
Siya'y ngumiti at naramdaman ng lalake na yun na ang pinakamagandang ngiti na nakita niya at nais
niyang halikan ang mga labing iyon.


Kung kaya't siyay nagwika, "Ah eh..... Oo.. hmmm... Gusto kong bumili ng CD."


At siya'y dumukot ng pera at bumili siya ng isang CD... "Gusto mo bang balutin ko ito para sayo?" wika ng babae,
kasabay muli ang maaliwalas na ngiti sa kaniyang mga labi.


Napatango ang lalake at nagtungo ang babae sa likod at sa kaniyang pagbabalik dala nito ang kaniyang nakabalot na CD.


Kinuha niya ito at lumabas na sa tindahang iyon at umuwi sa kanilang tahanan. Simula non, araw araw ng nagtutungo ang
lalake sa tindahang iyon upang bumili ng CD, at palagi ding binabalot ng babae ang kaniyang binili. Inuuwi niya sa kanilang
tahanan ang kaniyang biniling CD at nilalagay niya ito sa kaniyang aparador. Nahihiya parin siyang kausapin ang babae,
kahit gustong gusto niyang gawin, hindi niya parin itong magawa. Nang katagala'y nalaman ng kaniyang ina ang tungkol sa
bagay na ito at sinangayunan ng ina na marapat ng kausapin ng kaniyang anak ang babae.


Kung kaya't ng sumunod na araw ay nagtungo siya muli sa tindahang iyon. Bumili siya uli ng CD gaya ng palagi niyang
ginagawa at muling nagtungo ang babae sa likod at sa kaniyang pagbabalik ay iniabot niyang muli ang nakabalot niyang
pinamili. Kinuha niya ito at ng di nakatingin ang babae ay iniwan niya ang numero ng kanilang telepono sa lamesa kung san
naroon ang babae at dali dali na siyang umalis.


RING! ! !


Inangat ng ina ang telepono ... "Hello?"
Yun ang babae! hinahanap niya ang lalake at nagsimula ng umiyak ang ina habang
sinasabing, "Hindi mo alam? na siya'y namatay na kahapon...."


Tumahimik ang linya at tanging naririnig na lamang ay ang patuloy na pagtangis ng ina. Maya-maya pa'y
nagtungo ang ina sa silid ng kaniyang anak, sapagka't nais niyang maalala ito. Naisip niya na nais niyang
simulang tingnan ang kaniyang mga damit kung kaya't binuksan niya ang aparador at bumungad sa kaniya
ang patong patong na CD na nakabalot pa at di nagagalaw. Siya'y namangha ng masumpungan niya ang lahat
ng iyon at kumuha siya ng isa at naupo sa higaan at sinimulan niyang buksan 'yon.


Sa loob non, nakapaloob ang isang CD kung kaya't kinuha niya ito palabas sa pinagbalutan nito, nahulog
ang isang kapiraso ng papel. Dinampot ito ng ina at sinimulang basahin. Ang wika:


Hi... Sa tingin ko cute ka
Gusto mo bang lumabas kasama ako?
Nagmamahal,
Jacelyn


Binuksan muli ng ina ang isa pang CD...
muli meron uli itong kapiraso ng papel. na nagsasabing:


Hi... Sa tingin ko cute ka
Gusto mo bang lumabas kasama ako?
Nagmamahal,
Jacelyn


Wakas !....

Di Mo Masilip ang Langit

ni Benjamin P. Pascual




Sa kwentong ito nakapaloob ang pagmamahal ng isang asawa sa kaniyang may bahay na handang gawin ang lahat para maipagtanggol ang karapatan niya at ang kaniyang pagmamahal.


- at pag-iinitan ka pa. Bago ka pa lang dito, pare. Yan ang unang matututuhan mo dito sa ob-lo pagtagal-tagal mo.

Umiiyak kanina ang waswas ko, pare. Isi ka lang, sabi ko. Ito ang kapalaran natin, e. Naawa siguro sa ‘kin. Matagal nang ito ang haybol ko at bibilang pa ng maraming taon na ito ang haybol ko. Sabi ko naman, ayaw ka ba n’on, konkreto ang bahay ko at ginugwardiyahan pa ng les-pu? Nagpapatawa lang ako, pare lungkot din ako. Sabik na ako sa laya, pare. Naaawa na rin ako sa waswas ko na di ko alam kung paano nabubuhay ngayong narito ako sa ob-lo.

Pare, sindihan mo yan. Huwag mo lang ipapatanaw ang baga sa labas. Takpan mo ng lukong ng palad mo.

Anong kaso mo pare? Arson, pare. Ha-Ha-ha! Isang ospital ang sinunog ko – o pinagtangkaang sunugin. Dahil hindi nasunog lahat, pare. Tersiya parte lang ng bilding ang kinain ng apoy.
Hindi ka siguro maniniwala, pare. Kami ang gumawa ng ospital na iyon. Sa Quezon City ‘yun, pare. Yong pribadong ospital na ari ng magkapatid na mestisong instik, Lim ang apelyido. Ang ibig kong sabihin, pare. isa ako sa mga peon, ‘yung nagtayo n’on, kantero ‘ko pare — ‘yon bang tagahalo ng semento.

Nang magawa namin yon pare, para ‘kong pintor na nakagawa ng obra maestra. Gano’n pala ang mararamdaman mo pag nakagawa ka, pag nakabuo ka ng isang magandang bagay. ‘Yon lang kasi ang magandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Alam ko, ang arkitekto ang nagplano n’on, pero, isa ‘ko sa mga gumawa. Kung masasabi niyang siyang gumawa n’on, masasabi ko rin na ako. paano mo matatayo ang isang bilding pare, kung wala kang tagahalo ng semento? Di mo ‘yon maitatayo sa pamamagitan ng lapis at papel lang.

Nang mayari namin ‘yon pare, di ko pagsawaang tingnan. Paulit-ulit kong minasdan. Lalagay ako sa malayo, sa harapan, at hahagurin ko ng tingin. Papa’no parang isang magandang babae, pare na maya’t maya’y gustong mong ukulan na humahanga at nagmamalaking tingin dahil alam mong mga kamay mo ang katulong na gumawa at bumuo.

At ito ang pinagtangkaan kong sunugin, pare! Ha-Ha! Sasabihin ko sa ‘yo kung bakit. Uumpisahan ko sa simula.
Mahigit na ‘sang taon naming ginawa ang ospital na ‘yon pare. Nang mayari ang pundasyon, marami sa mga kasamahan ko ang doon na natutulog. Alam mo na, para makatipid sa pasahe. Nang malaon, sinabi ko ke Luding — Luding ang pangalan ng waswas ko, pare — na do’n na rin ako matutulog, kasi kahit na nasa Quezon City rin kami nakatira e malayo sa amin ang ginagawang bilding, kailangan magdalawang sakay ka sa bus at dyip.
“Sige” sabi ng waswas ko.”Nang makatipid tayo ng kontisa gastos” Kasi pare, minimum lang ang pagana sa ‘kin sa ginagawang ospital. Ang minimum no’n disiotso, hustong-husto lang sa pagkain at pangangailangan naming mag-asawa.

Sasabihin Ko muna sa ‘yo Kung saan kami nakatira no’n, pare. Ang haybol namin no’n e hindi talagang bahay kundi isang maliit na kubo, mas tama sigurong tawaging barung-barung ‘yon, dahil mas marami ang yero – na unti-unti naming naitayo sa isang bakanteng lote sa tabi ng isang bagong tayo ring subdibisyon. Pinsan ng waswas ko ang inhenyerong nagtayo ng subdibisyon at napakiusap namin sa kanyang bakanteng ngang loteng ‘yon, na di na sakop ng lupa ng subdibisyon, na kaibigan naman ng inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito, pare, legal naman ang pagkatira sa subdibisyon, hindi kami talagang iskwater na basta na lang nagtayo ng bahay, sa lupa ng me lupa. Sabihing nakatira, pero hindi iskwater.

Ang hirap ng lagay namin do’n pare. Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas. Bakit e medyo maaskad ang kara ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga sabdibisyon e parang bang sa anumang sandali’y lolooban ko ang malaki at magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan lang nama’y nakakapagpapangit ang aming barung-barong, sa tingin, sa magaganda nilang bahay sa sabdibisyon at ibig nilang kami’y umalis.

Hirap kami no’n, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming pakabitin ng koryente sa sabdibisyon. Ang ibig nga nila’y Kami’y umalis.

Sa itinatayong bilding na nga ako natutulog at umuuwi lang kung Sabado ng hapon. Me kasama naman sa bahay ang waswas ko, ang kanyang ina na nakapisan na sa amin mula pa nang kami’y ikasal. kung gabi, masaya kami sa ginagawang bilding. Me magpa¬pabili ng kuwatro kantos at pararaanin namin ang mga oras sa kantahan at kwentuhan. O gagalain namin ang buong bilding na kung baga sa tao e kalansay pa lang. Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin, pare, na parang guhit ng aming palad.

Nang matapos na ang bilding – nang matapos na, ang ibig kong sabihin at me doktor na at me tumatanggap na ng pasyente – siya namang pagbubuntis ng waswas ko. ‘Yon ang una naming anak, pare. Wala pa kaming ‘sang taong kasal nang umpisahan naming gawin ang ospital.

“Hanggang Maagay magplano tayo”, sabi ko sa waswas ko isang gabi, at sinabi ko sa kanya na mabuti siguro’y sa ospital na itinayo namin siya manganak.

“Mahal roon,” sabi ng waswas ko. “Mayayaman lang ang nanganganak at nagpapagamot doon.”

“Me pri ward doon”, sabi ko naman.

“Hindi ko alam”,sabi niya.

“Alam ko”, sabi ko. kailangan ‘yon. kami ang gumagawa no’n, di ba? Gamot at pagkain lang ang babayaran mo sa pri ward doon at konting donasyon na ibibigay.”

“Ikaw, kung gusto mong do’n ako manganak e di do’n” sabi ng waswas ko.

“Meron ka bang alam na ibang ospital na maari mong pangana¬kan?” , sabi ko.

Tumingin lang sa akin ang waswas ko at hindi sumagot. Alam na niya na ang pinakamalapit na ospital sa ‘min e ang ginawa namin. Me ilang ospital naman na me pri ward din, pero iyo’y malayo na sa amin o nasa maynila na.

Wala pa ‘kong masasabi sa ‘yo tungkol sa waswas ko. Mabait siya, pare. Siya ‘yong kung sisigawan mo’y tatalungko na lang sa isang sulok. Sunud-sunuran sa gusto ko, pare. Maganda pa. nakita mo naman sa bisitor rum kanina. Me mukha naman, di ba?

Tayung-tayo pa ang suso, di ba? Pagkatapos naming mag-usap ng waswas ko kung saan siya manganganak, Isang araw na napagawi ako sa ospital na ginawa namin e nagtuloy ako sa loob. Wala naman akong ipapagamot. Gusto ko lang mag-usisa, mag-usyoso. Ginala ko ulit ang palibot, sinundan ng tinginang nagsasalimbayang mga nars at doktor. Pare, gusto kong sabihin sa lahat ng tao ro’n na isa ‘ko sa mga gumawa no’n.

Sa madaling salita’y lumaki at lumaki ang tiyan ng waswas ko. Nang walong buwan na ang kanyang kabuntisan e ping-uusapan uli namin ang kanyang panganganak. Para kaming nagdidril kung ano ang gagawin kung magkakasunog. Sabagay, kailangan ‘yon. Malayo ang subdibisyong aming iniiskwat sa kalsada na daanaan ng mga sasakyan. kaya halos lahat ng taga subdibisyon e me kotse.

“Pa’no kung dumating ang oras ng manganganak kang wala ako rito sa bahay?” tanong ko ke Luding. Mangyayari lang ‘yon, pare sa araw na nasa trabaho ako. Me ginagawa kaming bahay no’n sa Pasay.

“Lalakad ako hanggang sa abangan ng sasakyan at tatawag ng dyip o taksi at magpapahatid sa ospital,” sabi ng waswas ko.

“Makaya mo kayang lumakad hanggang sa kalsada?” tanong ko.

“Kakayanin ko,” sabi niya.

“Pa’no kung di mo makaya?” sabi ko. “Pa’no kung mapanganak ka sa daan?”

“Bahala na,” sabi niya.

“Sana’y narito ‘ko pag nanganak ka na,” sabi ko.
Tumawa ang waswas ko at ang sabi, “Di ganon din ‘yon. Maglalakad din ako hanggang sa abangan ng sasakyan.” “iba talaga ‘yung narito ‘ko,”sabi ko.

“Sabagay,”sabi niya.

“Sana’y sa gabi ka manganak,” sabi ko. “Narito ‘ko.

Huwag lang sa hating-gabi o madaling araw. Baka mahirapan tayong makakita ng taksing maghahatid sa ‘tin sa ospital.”

Naging problema sa ‘kin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak ko ‘yon, pare, unang pagkakataon na magiging tatay ako. Maiintindihan mo naman siguro kung bakit gano’n na lang ang paghahangad kong malagay sa ayos ang panganganak niya, huwag malagay sa panganib ang aming magiging anak.

Pare,halos gabi-gabi’y pinag-uusapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming magiging anak. Ang waswas ko’y mahilig sa mga pangalang Amer’kano at gusto niya ang mga pangalang Michael at Leonard at Robert, kung lalaki ang bata at kung babae nama’y gusto niya ang pangalang Elizabeth at Jocelyn at Roda. Ang gusto ko nama’y Lualhati, kung babae ang bata, at Joselito kung lalaki. Me kapatid kasi akong namatay na Jose ang pangalan at ikinabit ko ang Lito dahil ‘yon ang gusto kung maging palayaw n’ya Paboritong ko kasing artista si Lito Lapid, pare, Gaya ng nasabi ko na, sunod-sunuran sa ‘kin ang waswas ko at nagkasundo kami sa pangalang gusto ko.

Me isa pang dahilan kung bakit ayokong malagay sa panganib ang buhay ng aming magiging anak, pare. Gustong-gusto ng waswas ko ang kanyang pagbubuntis. Ang ibig kong sabihin pare, gustong-gusto niyang maging ina. Napapakiramdaman ko ‘yon sa ‘ming mga pag-uusap tungkol sa batang isisilang, kung nagsasabi siya ng mga pangalang Amer-kano na ibig niya para sa bata, kung pinag-uusapan namin kung saan pag-aaralin ang bata. Likas lang siguro ‘yon sa bawat babae. Bawat babae’y gustong maging ina. At ayokong maging sentimental, pare. Ang gusto ko sa waswas ko’y natural din sa mga lalaki, di ba?

Nobyembre, manganganak ang waswas ko at alam ko kung papasok ang buwang ito. Matatapos pa lang ang Oktubre, namumulaklak na ang talahib sa pagpasok ng Nobyembre at sa panganganak ng waswas ko.
Pumasok ang Nobyembre, nakaipon na ‘ko ng sandaang piso. Sa gaya kong nagkakantero lang, pare, hindi madaling mag-ipon ng sandaang piso na ilalabas mo sa gastusan sa bahay. Kinakailan¬gang awasin ko yon, nang unti-unti, sa gastos ko sa pagkain sa tanghali, sa paghinto muna sa paninigarilyo, sa hindi muna pagto¬ma. Pare, kung minsa,y nagpupunta sa birhaws o sa putahan ang mga kasama ko pero nagtiis akong maiwan sa ginagawang bilding. Tinipid kong talaga nang husto ang sarili ko, pare. Ang sandaang pisong ‘yon e inilaan ko sa biglaang pagkakagastusan, gaya ng ibabayad sa taksi kung dadalhin na sa ospital si Luding, o bayad sa ospital kasi nga’y me pagbabayaran ka rin sa ospital kahit pri ward.
Nasa trabaho ‘ko pare, nang magdamdam ang waswas ko. Umaga no’n. Ang pangyayari’y hindi ko nakita. Ikinuwento na lang sa ‘kin ng waswas ko kinagabihang puntahan ko siya sa ospital. Gan’to, pare. Isang oras pagkaalis ko ng bahay, sumakit ang tiyan ng waswas ko – talagang oras na ng panganganak niya, naramdaman niya. Hindi niya ‘ko matawagan sa telepono – siyempre walang telepono sa bahay na ginagawa namin. Hindi naman daw niya mautusan ang nanay niya na puntahan ako at pasabihan. Medyo engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang tenga. Sinabi na lang niya sa nanay niya na pumirme sa bahay at pupunta na siyang mag-isa sa ospital. Lalakad siya hanggang sa kalsada, gaya ng usapan namin, at sasakay sa dyip o taksi at magpapahatid sa ospital. Me pantaksi siya. Lagi siyang may nakahandang pantaksi na ibinigay ko sa kanya mula sa sandaang naipon ko.

Nang naglalakad na ang waswas ko sa mga kalye ng subdibisy¬on, pasiyorkat sa abangan ng sasakyan, bigla raw humilab ang tiyan at hindi siya makalakad. Napilitan siyang lumapit sa isang malaking bahay do’n na ari ng isang taga-BIR na ang pangla’y Mr. Cajucom, na me kotse, at kumatok siya nang kumatok at tumawag nang tumawag sa geyt. Ang lumabas, pare, e ‘yong asawa ni Mr. Cajucom, na ito at tinanong siya kung bakit. Sabi ng waswas ko’y manganganak na siya at kung maaari’y makikiangkas sa kotse at padadaan sa ospital.

“Kumakain pa, e”, sabi raw ni Miss Cajucom

Biruin mo ‘yon, pare? Kumakain pa raw! Pare, akong may kotse at me nagsasabi sa ‘kin na ang kapitbahay ko’y manganganak, maski na ‘ko nasa ibabaw ng waswas ko’y, babangon ako at uunahin kong asikasuhin ‘yung manganganak. Pero, pare, kumakain pa raw! Hindi man lang pumasok at sinabi ro’n sa asawa na ang waswas ko’y nasa labas at parang asong naghahanap ng mapapanganakan!

‘Mapapanganak na ‘ata ‘ko , Misis”, sabi raw ng asawa ko. “Baka di na ko umabot sa ospital.”

Buti na lang at lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang waswas ko. Naawa naman siguro – o baka nisip na kargo de konsensiya niya kung mamamatay ang waswas ko sa labas ng kanyang geyt – iniwan ni Mr. Cajucom ang pagkain at agad daw nagbihis, pinasakay sa kotse ang waswas ko at isinugod sa ospital. Ang totoo, pare, nag-oopisina ang Mr. Cojucom na ito. Hindi naman niya kailangan ihatid sa ospital ang waswas ko, kailangan idaan lang niya sa ospital sa pagpasok niya sa opisina.

Eto na ang masakit, pare. Kung sa iyo nangyari ‘to e baka nakapatay ka ng tao.

Sasabihin ko muna sa ‘yo kung anong kotse meron ang Mr. Cojucom na ‘to, pare. Mustang ‘yon, pare, erkondisyon at bago. Malalaman mo naman kung bago ang kotse dahil sa plaka, di ba? Ang gara pare, kulay berde. Nakikita ko ang kotseng ‘yon pag gumagala si Mr. Cajucom sa loob ng subdibisyon. Pare, kahit sa layong isang kilometro, masasabi mong ang me are no’n e hindi basta-bastang tao. Maatik, ibig kong sabihin.

Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas ko – sa ospital na ginawa namin, pare – salubungan daw sa kanila ang mga nars at attendant. Akala siguro, pare, misis ni Mr. Cajucom ang waswas ko.

Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi raw ke Mr. Cajucom: “Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward lang ako”.

Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants. Me natira namang isang nars, na sabi raw sa waswas ko: “Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo ro’n”.
Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay raw muna.

Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare. Sinabi kong nakalimutan, pero ang dapat ‘atang sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa ang naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang nars na nagsabi sa kanya na maghintay siya ro’n.

Malungkot, pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan siya ng mga nars at doktor at isakay sa estretser at isugod sa elebeytor para dalhin sa emerdiyensi rum. Eh huli na patay na ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ‘ko riyan at wala ‘kong naiintindihan sa mga salitang ingles na sinabi nila na siyang dahilan raw ng pagkamatay ng bata. Pero ang waswas ko pa rin ang pinaniniwalaan ko. Sabi ng waswas ko’y namatay ang aking anak dahil bumagsak sa semento. Simpleng-simple. pare. Bumagsak sa semento.

Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa bahay. Nakapagpapaalala, pare, sa isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare. pusa. Napaiyak ako, pare.

Pare, mamamatay ba ang batang ‘yon kung halimbawang ang asawa ng waswas ko’y si Mr. Cajucom? Kung halimbawang kame ang me are ng mustang?
At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang mga kamay ko ang katulong na gumawa. Masakit, pare!

Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang waswas ko. Gusto raw niyang maghabol. Hindi raw niya mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming anak. Sabi ko’y ano ang magagawa namin? Mapapalabas ba naming kasalanan ng ospital kung nanganak siya sa paghihintay sa lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At ang ospital e maraming pera sa husgado, kami’y wala. Inalo ko na lang waswas ko. Pare, nagtawa pa ‘ko. Sabi ko’y gagawa uli kami ng beybi. Gagabigabihin namin, sabi ko. Pero ngitngit ako, pare. Iyak ng iyak ang misis ko. Kawawa naman daw ang aming anak.
Babae ang bata, pare.

Eto pa ang isa na talaga namang nakakaasar, pare. Kinabukasan ng gabing youn sumugod ako sa ospital, kinuha ko ang patay na bata at ibinurol sa aming bahay. Kinabukasa’y nagbalik ako para ilabas ang waswas ko. Ayaw ni Luding na magtagal do’n, pare, at naiitindihan mo siguro kung bakit. Isa pa’y inaalala niya na baka lumaki ang babayaran. At gano’n nga ang nangyari, pare. Nang pinaghahanda ko na ang waswas ko sa paglabas, sinabi sa ‘kin ng isang nars na pumunta raw muna ako sa kahero at babayaran ko ang dapat bayaran. Nagpunta naman ako. Pare, ang pinababayaran sa ‘kin sa ospital, sa gamot daw at sa pagkain at sa kuwarto e dos sientos beinte! Pare para ke pang naging pri- ward ‘to kung magbabayad din ako ng ganitong kalaki? Halos naisigaw ko sa kahero. Hindi ngayo’t priward ang tinigilan ng asawa mo e pri ward na lahat. Sabi naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!
Ang dala kong pera’y sisenta pesos – ang beinte pesos ng sandaan ko’y ibinigay ko nga ke Luding at ang iba’y di ko alam paano nagasta ibinayad ko yon sa kahero at nangako ako – pumirma ako promissori not ‘ata ang tawag don’n – na bukas e babayaran ko ang kakulangan. Dahil namatay ang bata, pumayag na rin ang ospital. Saka ko pa lang nailabas ang waswas ko.

Ayokong maawa sa sarili, pare. Hindi raw dapat sa tao yang maawa ka sa sarili dahil pag naawa ka sa sarili mo e maiingit at mamumuhi ka naman sa iba, na hindi raw dapat. Pero nang gabing ‘yong nakaburol ang anak ko at patulo nang patulo ng luha ang waswas ko e gano’n ang nararamdaman ko. Pare, ni walang umilaw sa patay ng sanggol kundi dalawang kandila na inalagay namin ni Luding sa ulunan at paanan ng kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng koryente sa pinakamalapit na bahay sa subdibisyon, dahil baka kami tanggihan at pumayag man ang bahay na ‘yon e kailangang bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na baka hindi na kaya ng bulsa ko. Ang ibinayad namin sa ataul e inutang ko lang sa me ari ng bahay na aming gingagawa, Me mga kasama ako sa trabaho at kaibigan na nag-abot sa ‘kin ng sampu, lima, dalawa, pero iniukol ko ‘yon sa gagastusin sa libing at sa dapat ko pang bayaran sa ospital. Awang-awa ako sa sarili, pare. Bale ba’y ni walang nagpunta sa bahay sa dalawang gabing pag-kakaburol sa bata. Sabagay, mabuti na rin ‘yon dahil wala kang malaking iintindihing pakakapehin at aalukin ng biskuwit. Pero sa mga nakatira ro’n e hindi makidalamhati sa ‘yo kung me patay ka, makakaramdam ka ng sakit ng loob. Maaawa ka sa sarili mo.
Kinabukasan namin inilibing ang bata. Pumalya uli ako sa trabaho. Dalawang araw na ‘kong pumapalaya sa trabaho at ikatlo ang araw na ‘yon. Nang umuwi kami nang maggagabi na, pagkagaling sa libing, naupo ang waswas ko sa tabi ng bintana at tumingin sa labas. Parang walang nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita, pare. Para ‘lang mabubuwang, pare. Ang nanay niya’y ayaw ring magsalita at mahirap namang kausapin dahil medyo engot nga at mahina ang tenga. Lumalabas ako, pare. Nagpunta ako sa daraanan ng sasakyan na me tindahang nagbibili ng alak at pumasok at nagbuwal ng isang bilog.

No’n ko naisip na magpunta sa ospital. Hindi na malinaw sa isip ko kung bakit nagpunta ako ro’n sa ospital. Siguro’y no’n ko naisip na magbayad ng kulang ko – ng utang ko. Siguro’y gusto ko ipakilala sa ospital na kahit na ‘ko mahirap, kahit hirap na hirap sa buhay e me konti ako, ng tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masama’t mabuti at marunong akong magbayad ng utang ko – kahit sa kanila na pumatay ng sanggol ko. Ewan ko, anu’t anuman, pare, nagpunta ‘ko sa ospital. Binayaran ko ang utang ko. Ipinakilala kong marunong akong magbayad ng utang at nasiyahan ako ng

konti at sinira ko ang promisori not sa harap ng kahero, nang ibigay niya ‘yon sa ‘kin nang magbabayad ‘ko.
Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang mapatingin ako sa palibot na gaya ng nakaugalian ko sa ospital na ‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko sa mga doktor at mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na pumatay sa batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala sa bahay at ang pangyayaring sa mga susunod na araw e maaaring wala na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding na ‘yon na lagi kong ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.

Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid do’n na no’ng ginagawa pa lang namin ang bilding e tinutulugan namin ng mga kasama kong peon. Ngayo’y pahingahan ‘yon ng mga dalaw at ng nars at doktor na napapagod sa trabaho. Pumasok ako ro’n at umihi sa sopa. Inihian ko rin ang telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e Magdumi at manira, pero nang wala na ‘kong maiihi, naisip ko namang magwasak. Nabuwang na nga ‘ko, pare. Ibinuwal ko ang mga kurtina. Siniliban ko rin ang mga magasing naro’n at ang apoy e idinuldol ko sa lahat ng bagay maaring magdingas.
Naglagablab na ang silid nang lumabas ako. Isang attendant na lalaki and nakakita sa ‘kin. Nakita niya ang usok at apoy na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at nahulaan ang ginawa ko. Tumakbo ako. Hinahabol niya ‘ko at sa ibaba inabutan. Pero malaki na ang apoy, pare. Nagpalipat-lipat na ‘yon sa maraming silid.

Apat na atendant at guwardiya and gumulpe sa ‘kin pare, bago ako ibinigay sa les-pu. Pero tersiya parte nga ng ospital ang nasunog ko.

Yosi pa, pare? Nadadalhan pa ‘ko ng yosi ng waswas ko, Ewan ko kung sa’n siya kumuha ng ibinigay nito. Naghahanap buhay daw siya kahit pa’no pero di ako nagtatanong kung ano ang hanapbuhay ‘yon. Wala siyang alam na trabaho pare. Paris ko rin siyang bopol. Baka masaktan lang ang loob ko kung malalaman ko kung anong hanapbuhay ‘yon kaya di ako nagtatanong.

Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa gabi, kailangan hulaan mo lang ang oras. Kasi nga’y walang me relo dito. Ni hindi mo naman masilip ang langit sa labas mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong oras na nga. Wala kang masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me langit nga sa labas. Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng Diyos.