Site na tinatahak ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at higit sa lahat ng Pag-ibig...
For Sale
For sale: Ipad Mini 16GB Wifi
Nagamit lang ng less than one month. (Mas matagal pa kaysa sa dalawang linggo niyong relasyon)
100% Working di tulad ng puso mong sawa nang masaktan.
No indention or damage. Wala pang nanakit. Wala pang napapaasa. Hindi pa nabobroken hearted.
Hindi pa nababagsak tulad ng pagkahulog mo sa taong hindi ka naman handang saluhin.
Reason kung bakit ibebenta: Loyalty sa isa. May isa na kasi ako. Hindi ko kayang gamitin ng sabay.
Freebies:
Matte Screen Protector tulad ng taong tunay naman talagang nagmamahal sayo kaso hindi mo naman nakikita ang halaga.
Ipad Case na nakayakap sa unit upang hindi ito masaktan. Okay lang na siya yung masaktan wag lang yung bagay na mahalaga sa kanya.
© Marcelo Santos III for the original post
Brotherly Love
Natutuwa akong manood ng mga Anime
patungkol sa pagkakaibigan, mga kaibigan
na nagtutulungan sa oras ng pangangailangan
at nagtutulungan kapag may problema,
isa na diyan ang Naruto Shippuden, narito
ang isang Episode patungkol sa magkapatid
na sina Sasuke at Itachi, sa Episode 339
dito mo masusumpungan ang pagmamahal
ng isang nakatatandang kapatid para sa
kaniyang nakababatang kapatid.
"I have told you the whole truth.
I won't have to ever again...
I always lied to you and asked
you to forgive me. Deliberately
keeping you at a distance by my
own hand. All because I didn't
want you to get caught up in any
of this. But now, I believe...
that perhaps you could have changed
Father, Mother, and the rest of
the Uchiha. If I had been open with
you from the start... and looked
you straight in the eyes and told
you the truth, then I wouldn't have
had to stand before you, from above,
as a failure, telling you all of this.
So this time, I want to impart this
truth to you... You don't ever have
to forgive me. And no matter what
you do from here on out, know this...
I will love you always."
-Itachi Uchiha
(Naruto Shippuden Episode 339)
I won't have to ever again...
I always lied to you and asked
you to forgive me. Deliberately
keeping you at a distance by my
own hand. All because I didn't
want you to get caught up in any
of this. But now, I believe...
that perhaps you could have changed
Father, Mother, and the rest of
the Uchiha. If I had been open with
you from the start... and looked
you straight in the eyes and told
you the truth, then I wouldn't have
had to stand before you, from above,
as a failure, telling you all of this.
So this time, I want to impart this
truth to you... You don't ever have
to forgive me. And no matter what
you do from here on out, know this...
I will love you always."
-Itachi Uchiha
(Naruto Shippuden Episode 339)
Salapi...
talikuran na ang nakaraan at muling tahakin ang hinaharap.
subalit may isang pangyayari ang di maalis sa aking
isipan, isang pangyayari na alam ko sa sarili ko na may
kasalanan din ako kung bakit di naging sang-ayon sa akin
ang pagkakataon. Minsan napapaisip ako, kung bakit may
mga taong di ka napapahalagahan sa mga nagawa mong bagay
para lang mapasaya sila, may mga tao talagang ganun, pero
di ko akalain na makakasumpong at makakakilala ako ng
isa sa mga 'yon. Meron palang mga tao na di ka kayang
ipaglaban at hindi ka kayang ipagtanggol sa mga tao sa
paligid niya. Nangyayari pala yung ganun. nangyayari pala
sa lahat yun. Kapag nakasumpong ka ng taong ganun,
mapapaisip ka nalang kung saan ka nagkulang. masasambit
mo nalang sa sarili mo kung bakit nangyayari ang mga bagay
na yun. Sa panahon ngayon, mahirap mawalan ng trabaho,
magiging mahirap ang iharap ka ng taong mahal mo sa kaniyang
mga magulang. Takot siya na mapahiya siya sa harapan ng
kaniyang minamahal. Naranasan ko na yun noon pero di ko
naisip na mangyayari uli yung ganun sa isang napakababaw
na dahilan. Kapag wala kang trabaho, wala karin mapapala,
ikakahiya ka ng taong mahal mo at itataboy ka niya upang
makahanap ng taong kaya siyang tustusin at buhayin pag
dating ng panahon. Iiyak ka nalang, pero wala kang magagawa.
Kapag wala kang pera, wala karing kaibigan, at ang pinaka
masaklap ang ipagpalit ka ng taong halos ibigay mo na ang
buong buhay mo mapaligaya mo lang. Masaklap ang katotohanan,
pero yun ang reyalidad ng buhay. Maaring sa iba, wala yun
halaga, makasama lang nila ang mahal nila, wala silang paki
kung wala silang pera, ang nakakalungkot lang, di lahat ng
tao yun ang pananaw sa buhay, dahil sa pera, wala kang mai
pagmamalaki at ikakahiya ka sa harap ng lahat. Nangyari na
yan sa buhay ko noon, sana sa muling pagkatok ng pag-ibig
sa buhay ko, hindi ko na maranasan ang pag-iisa, hindi ko
na maranasan na makasumpong ng taong ikakahiya ako. hindi
ko na maranasan ang itakwil ako dahil sa wala akong
maipagmamalaki sa buhay ko. lalong higit sa lahat ang
ipagpalit ako.
Nararanasan ng iba ang masaklap na pangyayaring ito, Pag-ibig
nga bang matatawag ito? o sadyang sa mundo hindi mahalaga
ang naranasan niyong saya habang kayo'y magkasama, walang
panghihinayang, walang pag-luha o pagtangis man. Takot tayong
suklian ng pagmamahal ang ating minamahal ng walang katumbas
na salapi. Datapuwa't kung tayo'y tunay na nagmamahal, salapi
man ang itumbas sa inyong pagmamahalan, madali niyo tong mata
tanggihan, sapagkat wagas ang inyong pagmamahalan. Walang
katumbas na halaga ang makasama niyo ang inyong minamahal,
ilatag man sa harapan niyo ang buong yaman ng sanlibutan,
di kayo matitinag o ipagpapalit man, sapagkat ang pag-ibig niyo
sa isa't isa ang siyang natatangi niyong pag-asa at kalakasan.
dumating man ang paghihirap sa inyong relasyon, inyo itong
mapapagtagumapayan dahil pag-ibig ang sa inyo'y nananahan.
-- Jay eL
The Story of a Blind Girl
There was a blind girl who hated herself just because she was blind. She hated everyone, except her loving boyfriend. He was always there for her. She said that if she could only see the world, she would marry her boyfriend.
One day, someone donated a pair of eyes to her and then she could see everything, including her boyfriend. Her boyfriend asked her, “now that youcan see the world, will you marry me?”
The girl was shocked when she saw that her boyfriend was blind too, and refused to marry him. Her boyfriend walked away in tears, and later wrote a letter to her saying:
“Just take care of my eyes dear.”
This is how human brain changes when the status changed. Only few remember what life was before, and who’s always been there even in the most painful situations.
Life Is A Gift
Today before you think of saying an unkind word–
think of someone who can’t speak.
Before you complain about the taste of your food–
think of someone who has nothing to eat.
Before you complain about your husband or wife–
think of someone who is crying out to God for a companion.
Today before you complain about life–
think of someone who went too early to grave.
Before you complain about your children–
think of someone who desires children but they’re barren.
Before you argue about your dirty house, someone didn’t clean or sweep–
think of the people who are living in the streets.
Before whining about the distance you drive–
think of someone who walks the same distance with their feet.
And when you are tired and complain about your job–
think of the unemployed, the disabled and those who wished they had your job.
But before you think of pointing the finger or condemning another–
remember that not one of us are without sin and we all answer to one maker.
And when depressing thoughts seem to get you down–
put a smile on your face and thank God you’re alive and still around.
Life is a gift – Live it, Enjoy it, Celebrate it, and Fulfill it.
Paalala at Pagkatuto
Sa pagbabasa ko ng ilan sa mga quotations sa internet, nabasa ko ang dalawang magkaibang quotes na 'to na nagbigay paala-ala sa akin, at isang paraan ng pagkatuto...
"Kung alam mo sa sarili mo na ginawa mo na lahat at wala paring nangyayari, baka panahon na para magkanya-kanya kayo ng landas. Minsan, ang nasirang relasyon ay parang nabasag na salamin. Mas mabuti pang itapon na, kesa masugatan ka ng bubog sa pag-pilit na ayusin ito.
Tanungin mo ang sarili mo. Masasabi mo bang nagawa mo na lahat para maayos ang relasyon nyo? Kung ang sagot ay "Oo", at walang pagbabago, wag ka nang magpakabobo."
"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang."
Ulan...
Tag-ulan na naman, minsan ko narin nakatuwaang maglaro sa
ulan nung ako'y bata pa, isang gigintong ala-ala na napaka
sayang balikbalikan. Maliligo at basang-basa... pero iba
na ngayon. Dati'y rati ang ulan ang siyang nagpapasaya
sa akin, ngayo'y nagdudulot na ng bigat sa aking pakiramdam.
Ilang taon narin ang nakaraan nung una kong naranasan ang
lungkot ng tag-ulan, sa paglipas ng panahon, paulit-ulit ko
paring nararanasan ang pakiramdam na dulot ng ulan na ito...
Natatanong ko nalang sa aking sarili ... "Ano bang mayroon
sa ulan?", hanggang sa likod ng aking sariling kamalayan
ay may sasagot ng "Walang lungkot na dulot ang ulan, sadyang
ang ala-ala lamang ang nagbibigay lungkot dito". Sa tuwing
lumilipas ang mga panahon sa aking buhay, pinipilit kong
muling maging masaya tuwing sasapit ang tag-ulan, gusto kong
bumuhos ang ulan at tuluyang ibagsak ang nakabiting damdamin
na minsan pang naglalaro sa aking gunita. Sa pagmasid ko sa
kawalan, unti-unti kong nakikita ang aking sarili na nilalaro
ang bawat butil ng ulan, pagpatak nito'y nagiging mabisang
sagot sa lahat ng katanungang gumugulo sa aking isipan. Sa
sandaling nawawaglit sa aking ala-ala ang sakit na dulot ng
ulan, siya namang mumunting paghilom ng sugat na nagdulot ng
kapighatian sa aking damdamin. Ano ang tunay na dulot ng ulan?,
Kasiyahan ba? o kalungkutang natatago sa likod ng mumunting
butil ng patak nito. Pero kahit gaano kalakas ang ulan sa
aking buhay, may bahid man ng pait at sakit ang bawat patak
nito, maging latay man ang pagdampi nito sa damdamin ko. Muli
ko parin dadamahin ang lamig nito, lamig na kung saan nagiging
dahilan ng kasiyahan ko. Sa pagtila ng ulan na ito, sisikapin
ko muling ngumiti sa pagtanaw ng isang bahagharing pupukaw
sa lahat ng kalungkutang dulot ng ulan, at minsan pa'y iuusal
ko sa Maykapal ang katagang "Maraming salamat sa ulan, dahil
dito.... ako'y muling Magmamahal"...
-- Jay eL
Paano... ?
Lumipas na naman ang mga araw sa aking buhay, naramdaman ko
muli ang pagiisa, pakiramdam na ayaw na ayaw ko na talagang
maramdaman pa, pero sadyang mapaglaro ang tadhana, sadyang
nangyayari ang mga bagay na sa sarili mo, hindi mo iisiping
mangyayari. Minsan pang sinabi kong "Ayaw ko ng magmahal ng
iba, ikaw lang at wala ng iba..." pasasaan pa't sa bawat pag
luha ko'y pumapatak din ang mga pangarap na kapwa naming binuo,
pumapatak hanggang sa bumagsak sa lupa, matutuyo't maglalaho
na tulad ng isang napakagandang panaginip na ngayo'y di mo na
maituloy sapagkat tuluyan ka ng nagising. Oo, tuluyan na akong
nagising sa isang napakagandang panaginip na dumating sa aking
buhay, isang panaginip na pakiwari ko'y di na matatapos pa,
isang panaginip na nagturo sakin kung paano umibig at magmahal,
kung paano lumuha't masaktan. Isang gabi nasabi ko nalang habang
nakaharap ako sa salamin kung san nababanaag ko ang aking sariling
mukha... "Paano ko mabubuhay ng wala siya... Paano ko matitiis
ang sakit na dulot ng kalungkutang bumabalot sa aking buong pag
katao."... maya-maya pa'y dadaloy na naman ang masaganang luhang
animo'y kay tagal ng di nakadidilig sa aking mga mata. Maglalaho
kaya ang bigat sa dibdib ko?...makakaya ko pa kayang muling
magmahal ? ... ilan sa mga katanungan na paulit ulit na gumugulo
sa aking isipan. Pasasaan pa't matatapos din ang gabi ng aking
buhay, pasasaan pa't mauubos din ang luha na naguumapaw sa aking
mga mata. pasaan pa't malalaman ko rin ang kahulugan ng pag-ibig
na matagal ko ng inaasam malaman. lumipas man ang kaligayahan na
dulot niya sa aking buhay, masasabi ko paring isang aral muli sa
akin ang mga pangyayaring ala-ala na lamang ang siyang magiging
tulay upang aking mabalikan. sumasagi parin sa aking ala-ala ang
lahat ng nagdaan sa aming buhay. Ala-alang minsan pa'y nagpatunay
na sa aking buhay, bagama't may kasiyahan at maging kalungkutan,
dadating ang sandaling makararamdam muli ng kapayapaan, kasiyahan
at lalong higit ng pagmamahal...
-- Jay eL
Wagas na Pagmamahal
May mga bagay sa mundo na nakakaya lamang gawin dahil sa pag-ibig, nakakaya lamang tiisin at nakakaya lamang batahin. Nakakatuwang isipin na lahat ng sakripisyo'y nagagawa ng isang nagmamahal, kahit sa ganang kanya'y di niya lubos na malirip na ito'y kaniyang maisasakatuparan. Ano pa't marami parin ang nagtatangkang ipagkaloob ang lahat para sa kanilang minamahal, ibigay ang lahat at di magtira'y isang katibayan lamang na lubos ang pagmamahal na ating nararamdaman sa ating minamahal, maging dahilan man ito ng ating paghihirap, patuloy parin nating ginagawa ang mga bagay na ito, upang sa huli't huli'y wala tayong pagsisihan sa ating mga sarili.
"Aking ginawa ang nararapat at alam kong lubos ang bagay na ito, upang maramdaman niya sa ganang kanyang sarili na wagas ang aking pagmamahal....."
Tuksuhan, Ligawan at Tampuhan
TUKSUHAN
POUNDING RICE, ni Galo B. Ocampo, 1974
POUNDING RICE, ni Galo B. Ocampo, 1974
Tuksuhan lang (just teasing) is the usual term associated with pairing off potential couples in Filipino culture. This is common among teenagers and young adults. It is a way of matching people who may have mutual admiration or affection for each other. It may end up in a romance or avoidance of each other if the situation becomes embarrassing for both individuals.
Tuksuhan (teasing--and a girl's reaction to it) is a means for 'feeling out' a woman's attitude about an admirer or suitor. If the denial is vehement and the girl starts avoiding the boy, then he gets the message that his desire to pursue her is hopeless. The advantage of this is that he does not get embarrassed because he has not started courting the girl in earnest. As in most Asian cultures, Filipinos avoid losing face. Basted (from English busted) is the Tagalog slang for someone who fails to reach 'first base' in courting a girl because she does not have any feelings for him to begin with.
However, if the girl 'encourages' her suitor (either by being nice to him or not getting angry with the 'teasers'), then the man can court in earnest and the tuksuhan eventually ends. The courtship then has entered a 'serious' stage, and the romance begins.
A man who is unable to express his affection to a woman (who may have the same feelings for him) is called a torpe (stupid), dungo (extremely shy), or simply duwag (coward). To call a man torpe means he does not know how to court a girl, is playing innocent, or does not know she also has an affection for him.
If a man is torpe, he needs a tulay (bridge)--anyone who is a mutual friend of him and the girl he loves--who then conveys to the girl his affection for her. It is also a way of 'testing the waters' so to speak. If the boy realizes that the girl does not have feelings for him, he will then not push through with the courtship, thus saving face.
Some guys are afraid of their love being turned down by the girl. In Tagalog, a guy whose love has been turned down by the girl is called sawi (romantically sad), basted (busted), or simply labless (loveless).
LIGAWAN
COURTSHIP IN PHILIPPINE CULTURE
COURTSHIP IN PHILIPPINE CULTURE
HARANA, ni Carlos V. Francisco
In Philippine culture, courtship is far more subdued and indirect unlike in some Western societies. A man who is interested in courting a woman has to be discreet and friendly at first, in order not to be seen as too presko or mayabang (aggressive or too presumptuous). Friendly dates are often the starting point, often with a group of other friends. Later, couples may go out on their own, but this is still to be done discreetly. If the couple has decided to come out in the open about their romance, they will tell their family and friends as well.
In the Philippines, if a man wants to be taken seriously by a woman, he has to visit the latter's family and introduce himself formally to the parents of the girl. It is rather inappropriate to court a woman and formalize the relationship without informing the parents of the girl. It is always expected that the guy must show his face to the girl's family. And if a guy wants to be acceptable to the girl's family, he has to give pasalubong (gifts) every time he drops by her family's house. It is said that in the Philippines, courting a Filipina means courting her family as well.
In courting a Filipina, the metaphor often used is that of playing baseball. The man is said to reach 'first base' if the girl accepts his proposal to go out on a date for the first time. Thereafter, going out on several dates is like reaching the second and third bases. A 'home-run' is one where the girl formally accepts the man's love, and they become magkasintahan (from sinta, love), a term for boyfriend-girlfriend.
During the old times and in the rural areas of the Philippines, Filipino men would make harana (serenade) the women at night and sing songs of love and affection. This is basically a Spanish influence. The man is usually accompanied by his close friends who provide moral support for the guy, apart from singing with him.
Filipino women are expected to be pakipot (playing hard to get) because it is seen as an appropriate behavior in a courtship dance. By being pakipot, the girl tells the man that he has to work hard to win her love. It is also one way by which the Filipina will be able to measure the sincerity of her admirer. Some courtships could last years before the woman accepts the man's love.
A traditional dalagang Pilipina (Filipinpa maiden) is someone who is mahinhin (modest, shy, with good upbringing, well-mannered) and does not show her admirer that she is also in love with him immediately. She is also not supposed to go out on a date with several men. The opposite of mahinhin is malandi (flirt), which is taboo in Filipino culture as far as courtship is concerned.
After a long courtship, if the couple later decide to get married, there is the Filipino tradition of pamamanhikan (from panik, to go up the stairs of the house), where the man and his parents visit the woman's family and ask for her parents blessings to marry their daughter. It is also an occasion for the parents of the woman to get to know the parents of the man.
During pamamanhikan, the man and his parents bring some pasalubong (gifts). It is also at this time that the wedding date is formally set, and the couple become engaged to get married.
TAMPUHAN
TAMPUHAN, a classic painting by Juan Luna, 1895. This painting depicts sweethearts having a lovers' quarrel.
The Tagalog term tampo has no English equivalent. Magtampo is usually translated as 'to sulk', but it does not quite mean that. 'Sulk' seems to have a negative meaning which is not expressed in magtampo. It is a way of withdrawing, of expressing hurt feelings in a culture where outright expression of anger is discouraged. For example, if a child who feels hurt or neglected may show tampo by withdrawing from the group, refusing to eat, and resisting expressions of affection such as touching or kissing by the members of the family. A woman may also show tampo if she feels jealous or neglected by her beloved. Tampuhan is basically a lovers' quarrel, often manifested in total silent treatment or not speaking to each other.
The person who is nagtatampo expects to be aamuin or cajoled out of the feeling of being unhappy or left out. Parents usually let a child give way to tampo before he/she is cajoled to stop feeling hurt.
Usually, tampo in Filipino culture is manifested in non-verbal ways, such as not talking to other people, keeping to one's self, being unusually quiet, not joining friends in group activities, not joining family outing, or simply locking one's self in his or her room.
Magiging ayos din ang lahat!
Minsan nasasabi nating dapat ng ihinto itong kalokohan na ito. dapat ko ng kalimutan ang lahat ng mga nagdaan na nagiging dahilan upang magapos ako sa damdaming dapat ay matagal ng nagpalaya sakin. Pero kahit na anong pagtatanggi natin sa ating mga sarili'y patuloy parin itong nanunuot sa ating mga puso, patuloy parin itong nagbibigay dahilan upang muli nating maalala ang lahat ng masasayang oras na kasama mo siya. Siya na minsan pa'y naging mundo mo, na minsan pa'y naging buhay mo. Minsan magagawi ka sa mga lugar na punong puno ng alaala, masasabi mo nalang na.... sayang... Minsan sa paglalakad mo'y maririnig mo ang paborito niyong awitin, mga matatamis na awitin noon na ngayo'y pait na ang dulot at sakit na ang hatid sayong puso. Sa paggising mo sa umaga'y, nasanay ka na na may mga text messages siya sayo, mga morning greetings, agad mong hahanapin ang cellphone mo at maaalalang wala ng ganun at di na mangyayari yon. Mangigiti ka nalang at maya maya'y muling maluluha, mga alaalang palaging nariyan, pilit na sumisiksik sating isipan, na nagpapahirap satin, ngunit palagi nating tatandaan na lahat ng bagay ay lumilipas. Mawawala din ang sakit sa paglipas ng mga panahon, hihilom din ang sugat sating mga puso, muling mababakas ang ngiti sa ating mga labi.
-- Jay el
Walang Makahahadlang...
Habang naghahanap ako ng isang palabas na aking panonoorin ngayong
araw na ito, humantong ako sa pamagat ng litratong ito at napagisipan kong
idownload at panoorin, kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman ng
aking pinapanood ito, sapagka't isa ito sa mga pilikulang nagpaluha sakin.
kung bakit?
ito'y dahil narin sa pag-ibig na handang ipakita't iparamdam sa gitna man
ng apo'y ng isang relasyon.
Sa mga di pa napanood ito, panoorin niyo na sapagka't masasabi
kong napakaganda ng pilikulang ito... :)
Mapapanood ang buong palabas dito:
Enjoy :)
Mapapanood ang buong palabas dito:
Enjoy :)
Sino Ang Pipiliin Mo?
MAHAL MO na di ka naman MAHAL o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?
Bata palang ako narinig ko na yang tanong na yan at masasabi ko
sa sarili ko na napakahirap talagang sagutin ang tanong na yan,
pero may mga taong napakadali para sa kanila ang sagutin yan kahit
kagigising lang at tanungin mo niyan eh masasagot kaagad nila ng
walang pagdadalawang isip. Marahil eh alam na nga nila ang sagot
dahil naranasan na nila o kung hindi man, may mga kilala silang
napagdaanan na ang kasagutan sa tanong na yan at yun na ang ginawa
nilang pamantayan pag dating sa pag-ibig. Sa ngayon nais kong maka
tulong sa mga taong hirap parin sa pagsagot sa katanungang iyan.
Maaring ang iba'y nagtatanong sino ka ba at madali para sayong sagutin
ang bagay na yan?, sino ka ba para itimo sa isipan namin ang mga bagay
na tulad niyan?... ang sagot ko,... isa lamang akong umibig, at napag
daanan ang saya at sakit na dulot ng pagmamahal, kung kaya't nais kong
maging praktikal ang mga taong nakakabasa sa blog kong ito, sana nga
kung di man nila maisip ang tama para sa kanilang mga sarili, eh ako
na mismo ang sumagot ng mga iyon.
Balik tayo sa tema at paksa:
Sino Ang Pipiliin Mo? MAHAL MO na di ka naman MAHAL
o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?
Para sa mga taong naghahangad ng pagbabago eh masasabi kong piliin nila
ang pangalawa, yun ay ang MAHAL KA pero di mo naman MAHAL. bakit? dahil
narin sa kanilang sariling pangangailangan bilang tao, simula palang ng
nabuhay tayo at unang nasilayan ang liwanag ng sanlibutan, naramdaman na
natin ang pagmamahal na galing sa ating mga magulang, basic needs kung
baga at bilang isang tao, mahirap talaga mabuhay ng walang nagmamahal,
dahil iba ang pakiramdam ng nagiisa, walang karamay at walang umuunawa
nandyan at pagkapoot, ang kirot at kadalasa'y nagdudulot ng iba't ibang
karamdaman lalo na sa pag-iisip. Pagmamahal, yan ang kailangan ng tao at
kung wala yan, mahirap mabuhay... bakit?, dahil tulad ng pagkain, tubig
at hangin. Ang pag-ibig ay may kakayahang makagawa ng mga bagay na sa
isip natin ay pawang imposible pero nakakaya natin dahil sa pag-ibig.
Isa pang halimbawa kung bakit ikalawa ang dapat piliin ng mga taong nais
ng pagbabago. Yun ay dahil kung may isang taong nagmamahal sayo ng tapat
at handang ibigay o gawin ang lahat para sayo, lalo mong pahahalagahan
ang buhay mo. Bakit? dahil alam natin na ang taong yon ay malulungkot o
magdadalamhati kung may mangyayaring kung ano satin, sa ganung paraan mas
lalo natin masasaisip na tayo'y mahalaga sa mundo at makakapagpasiya tayo
na maging masayang indibiduwal.
Kung pagbabago, ang ikalawa... ngunit dito natin masasabi sating mga sarili
na ang buhay ay walang kasing saya, kung pipiliin natin ang una... Bakit?
Ito ang paliwanag ko sa una, at isa ako sa pumili sa sagot na yan, alam
nating lahat kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal diba? at alam natin ang
bawat kilig at ngiti sa tuwing nakikita natin ang ating mga minamahal, ano
pa't naroon din ang sitwasyon na ang taong 'yon ay di ka minamahal, subalit
mula sa kaibuturan ng iyong puso, ang masilayan lamang siya'y katumbas na ng
langit, at ang pakiramdam na yun ay wala ng mas hihigit pa. bakit? langit na
yun eh, may tataas pa ba? hehe... biro lang. ngunit direct to the point ko
sasabihin na ang ikinasasaya ng ating puso'y katumbas narin ng kasiyahan na
ating pakaiingatan habang tayo'y nabubuhay, yung magmahal ka ng hindi mo
minamahal ay napakahirap, Oo, at may magsasabi na "Natuturuan naman ang puso"
subalit hanggang kelan mo tuturuan ang 'yong puso? hanggang kelan ka luluha
dahil sa maling pagpili, hanggang kelan mo babaunin ang panghihinayang?
Hanggang kelan?
Mahalaga ang magmahal ng tama, dahil mahirap na sa bandang huli ikaw din ang
luluha. sa huli't huli, wala ka rin masisisi, wala karin matatakbuhan at
wala karing mapapala. Ang pagiging masaya sa isang simpleng paraan ay isa
naring napakalaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay hindi naglalaho
hindi napaparam at hindi namamatay sa ating mga puso...
--Jay eL
Bata palang ako narinig ko na yang tanong na yan at masasabi ko
sa sarili ko na napakahirap talagang sagutin ang tanong na yan,
pero may mga taong napakadali para sa kanila ang sagutin yan kahit
kagigising lang at tanungin mo niyan eh masasagot kaagad nila ng
walang pagdadalawang isip. Marahil eh alam na nga nila ang sagot
dahil naranasan na nila o kung hindi man, may mga kilala silang
napagdaanan na ang kasagutan sa tanong na yan at yun na ang ginawa
nilang pamantayan pag dating sa pag-ibig. Sa ngayon nais kong maka
tulong sa mga taong hirap parin sa pagsagot sa katanungang iyan.
Maaring ang iba'y nagtatanong sino ka ba at madali para sayong sagutin
ang bagay na yan?, sino ka ba para itimo sa isipan namin ang mga bagay
na tulad niyan?... ang sagot ko,... isa lamang akong umibig, at napag
daanan ang saya at sakit na dulot ng pagmamahal, kung kaya't nais kong
maging praktikal ang mga taong nakakabasa sa blog kong ito, sana nga
kung di man nila maisip ang tama para sa kanilang mga sarili, eh ako
na mismo ang sumagot ng mga iyon.
Balik tayo sa tema at paksa:
Sino Ang Pipiliin Mo? MAHAL MO na di ka naman MAHAL
o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?
Para sa mga taong naghahangad ng pagbabago eh masasabi kong piliin nila
ang pangalawa, yun ay ang MAHAL KA pero di mo naman MAHAL. bakit? dahil
narin sa kanilang sariling pangangailangan bilang tao, simula palang ng
nabuhay tayo at unang nasilayan ang liwanag ng sanlibutan, naramdaman na
natin ang pagmamahal na galing sa ating mga magulang, basic needs kung
baga at bilang isang tao, mahirap talaga mabuhay ng walang nagmamahal,
dahil iba ang pakiramdam ng nagiisa, walang karamay at walang umuunawa
nandyan at pagkapoot, ang kirot at kadalasa'y nagdudulot ng iba't ibang
karamdaman lalo na sa pag-iisip. Pagmamahal, yan ang kailangan ng tao at
kung wala yan, mahirap mabuhay... bakit?, dahil tulad ng pagkain, tubig
at hangin. Ang pag-ibig ay may kakayahang makagawa ng mga bagay na sa
isip natin ay pawang imposible pero nakakaya natin dahil sa pag-ibig.
Isa pang halimbawa kung bakit ikalawa ang dapat piliin ng mga taong nais
ng pagbabago. Yun ay dahil kung may isang taong nagmamahal sayo ng tapat
at handang ibigay o gawin ang lahat para sayo, lalo mong pahahalagahan
ang buhay mo. Bakit? dahil alam natin na ang taong yon ay malulungkot o
magdadalamhati kung may mangyayaring kung ano satin, sa ganung paraan mas
lalo natin masasaisip na tayo'y mahalaga sa mundo at makakapagpasiya tayo
na maging masayang indibiduwal.
Kung pagbabago, ang ikalawa... ngunit dito natin masasabi sating mga sarili
na ang buhay ay walang kasing saya, kung pipiliin natin ang una... Bakit?
Ito ang paliwanag ko sa una, at isa ako sa pumili sa sagot na yan, alam
nating lahat kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal diba? at alam natin ang
bawat kilig at ngiti sa tuwing nakikita natin ang ating mga minamahal, ano
pa't naroon din ang sitwasyon na ang taong 'yon ay di ka minamahal, subalit
mula sa kaibuturan ng iyong puso, ang masilayan lamang siya'y katumbas na ng
langit, at ang pakiramdam na yun ay wala ng mas hihigit pa. bakit? langit na
yun eh, may tataas pa ba? hehe... biro lang. ngunit direct to the point ko
sasabihin na ang ikinasasaya ng ating puso'y katumbas narin ng kasiyahan na
ating pakaiingatan habang tayo'y nabubuhay, yung magmahal ka ng hindi mo
minamahal ay napakahirap, Oo, at may magsasabi na "Natuturuan naman ang puso"
subalit hanggang kelan mo tuturuan ang 'yong puso? hanggang kelan ka luluha
dahil sa maling pagpili, hanggang kelan mo babaunin ang panghihinayang?
Hanggang kelan?
Mahalaga ang magmahal ng tama, dahil mahirap na sa bandang huli ikaw din ang
luluha. sa huli't huli, wala ka rin masisisi, wala karin matatakbuhan at
wala karing mapapala. Ang pagiging masaya sa isang simpleng paraan ay isa
naring napakalaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay hindi naglalaho
hindi napaparam at hindi namamatay sa ating mga puso...
--Jay eL
Yugto ng isang relasyon
Maaring sa simula'y nariyan ang kagalakan sa ating puso, pananabik at kaaliwan na anupa't sa paglipas ng panaho'y unti-unti itong naglalaho at napaparam. Kahit gaano natin binubuksan ang ating pagiisip sa mga bagay na alam nating mali para sa isang relasyon, dumadating talaga ang panahon na kung saa'y di natin maiiwasan. Kahit ano pa man ang mangyari, isa parin ang mahalaga... yun ay yung panahon na naramdaman natin, kung gaano kasaya at kasarap ang magmahal.
Hindi Hadlang...
Marahil ay isa tayo sa mga anak na hindi nakakadama
ng pag-ibig ng ating mga magulang... Pag-ibig na
araw-araw ay kanilang ipinaparamdam sa atin, upang
kahit papaano'y masuklian di natin ng kahit konting
pagmamalasakit at pagmamahal ang kanilang ginagawa
para lamang sa ating sariling kapakanan. Nariyan ang
ating mga magulang... hirap man, dahil narin sa kanilang
edad ay nagpupursigi upang mabigyan tayo ng pagkain
sa pang-araw araw.... Mahal na Mahal tayo ng ating mga
magulang, kung kaya't bago pa man mahuli ang lahat
sana'y maiparamdam natin sa kanila ang pagmamahal
na kanilang inaasam galing sa atin... Hindi rin hadlang
sa kanila ang kapansanan o ano mang bagay na sa
tingin natin ay mahirap, sa halip, ginagawa nila ang
lahat upang maipadama sa atin ang labis labis na
pagmamahal na kanilang inaalay para lamang sa atin.
Sino Sila ?
Minsan may mga taong dumadating sating buhay
na di natin sinasadya na makagaanan ng loob..
mga taong, nagpapasaya satin at nagiging inspirasyon
sa ating mga buhay. Hindi natin alam kung bakit
nangyayari ang mga bagay na ito, ngunit nagiging
malaking bahagi sila ng ating pagkatao.
Hindi rin nasusukat ang pag-ibig sa bawat
salita na sinasambit ng ating mga labi,
wala dun ang lalim ng pagmamahal na kaya
nating ibigay sa tao, sa halip, yun ay
nasa kagustuhan natin, sa pagiisip, sa gawa
na ating pinapahiwatig sa tao at lalong higit,
sa pag-ibig sa ating mga puso.
Top 10 Movies na May Kahulugan ng Pag-ibig
Narito ang mga Asyanong palabas na napili ko na
nagbigay ng Kahulugan ng Pag-ibig...
- TOP#10 Temptation of the Wolves AKA Romance of Their Own 2004
- TOP#9 Over The Rainbow 2002
- TOP#8 My Little Bride 2004
- TOP#7 Doremifasolasido 2008
- TOP#6 Only You Can Hear Me / Kimi Ni Shika Kikoenai 2007
- TOP#5 Windstruck 2004
- TOP#4 Cyborg Girl 2008
- TOP#3 Humming 2008
- TOP#2 Secret 2007
- TOP#1 My Sassy Girl 2001
Origami Magic Rose Cube
How to make an Origami Magic Rose Cube. It is a cube that can be transformed into a rose with a few simple moves.
Green and Red modules are made with the same size of paper. (10cm x 10cm is a good size for this model)
In this model we'll use 6 units (3 of each color)
Designed by Valerie Vann
Note: Masayang makatanggap ng rosas galing sa taong inyong pinakamamahal, pero di ba mas nakakainlove kung mas pinagpaguran ng mga kamay niya ang paggawa ng rosas na gawa sa papel?, di man totoo, pero galing sa puso. :)
No Place...
Bakit ang symbol ng HEART or LOVE ay <3 or less than 3?
Dahil dalawang tao lang dapat ang involved.
MEANING there is no place for the THIRD PARTY, kaya less than 3.
Bong Ong Love Quotes
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.."
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?.... “Paningin” “Hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila bulag.”
Ang Pag-ibig ay parang Pagluluto
(1) Dapat hindi minamadali. Kasi kapag minadali mo,hindimagiging kasing-sarap ng lutong hinintay at pinag-ukulan ng oras.
(2) Wag masyadong lakasan ang apoy. Ang pagkaing niluto sa low heat ay hindi katulad ng pagkaing niluto sa high heat. Kadalasan, ang niluto sa high heat, akala mo luto na, pero pag hiniwa mo, hilaw pa pala ang loob. (See no. 1)
(3) Maniwala ka sa nanay mo. Siya ang nagluto’t nagpakain sayo mula noon (at maaaring hanggang ngayon), kaya lahat ng pasikot-sikot sa pagluluto, alam niya.
(4) Magtiwala ka sa sarili mo, na kaya mo at kakayanin mo. Pwedeng kabahan at matakot, normal yan.
(5) Pag-ukulan ng oras at atensyon. Dahil kung hindi, maaring masunog at lalo kang mawalan ng kakainin.
(6) Kung pangit ang kinalabasan ng niluto mo, masama ang lasa, nasunog, masyadong hilaw, nasobrahan sa lambot — hindi ibig sabihin ay dapat ka ng tumigil sa pagluluto. Maaari silang magsilbing tanda, para sa susunod mong pagluluto, alam mo na ang dapat (o hindi dapat) mong gawin.
(7) Dapat handa kang mapaso, masunog, matilamsikan ng mainit na mantika, mabuhusan ng kumukulong tubig, at magkapeklat. Tanda yun na minsan mong nilakasan ang loob mo na magluto kahit alam mo ang maaaring maging kapalit.
(8) Importante ang lahat ng lasa. Kahit na sabihin mo pang mapait, maalat, maasim, matamis o sadyang walang lasa ang pagkain, lahat sila ay importante. Dahil kung paulit-ulit at pare-parehas lang ang lasa ng niluto mo, nakakaumay na yun masyado.
(9) Walang perpektong recipe. Ang recipe na nagpasarap ng luto ng kapitbahay mo ay maaaring hindi angkop sa panlasa mo, and vice versa. Kanya-kanyang style yan, ayon sa kanya-kanyang panlasa.
(10) Higit sa lahat, bago ka magluto, siguraduhin mo munang handa ka na.
Credit to: Unknown
Subscribe to:
Posts (Atom)













