(1) Dapat hindi minamadali. Kasi kapag minadali mo,hindimagiging kasing-sarap ng lutong hinintay at pinag-ukulan ng oras.
(2) Wag masyadong lakasan ang apoy. Ang pagkaing niluto sa low heat ay hindi katulad ng pagkaing niluto sa high heat. Kadalasan, ang niluto sa high heat, akala mo luto na, pero pag hiniwa mo, hilaw pa pala ang loob. (See no. 1)
(3) Maniwala ka sa nanay mo. Siya ang nagluto’t nagpakain sayo mula noon (at maaaring hanggang ngayon), kaya lahat ng pasikot-sikot sa pagluluto, alam niya.
(4) Magtiwala ka sa sarili mo, na kaya mo at kakayanin mo. Pwedeng kabahan at matakot, normal yan.
(5) Pag-ukulan ng oras at atensyon. Dahil kung hindi, maaring masunog at lalo kang mawalan ng kakainin.
(6) Kung pangit ang kinalabasan ng niluto mo, masama ang lasa, nasunog, masyadong hilaw, nasobrahan sa lambot — hindi ibig sabihin ay dapat ka ng tumigil sa pagluluto. Maaari silang magsilbing tanda, para sa susunod mong pagluluto, alam mo na ang dapat (o hindi dapat) mong gawin.
(7) Dapat handa kang mapaso, masunog, matilamsikan ng mainit na mantika, mabuhusan ng kumukulong tubig, at magkapeklat. Tanda yun na minsan mong nilakasan ang loob mo na magluto kahit alam mo ang maaaring maging kapalit.
(8) Importante ang lahat ng lasa. Kahit na sabihin mo pang mapait, maalat, maasim, matamis o sadyang walang lasa ang pagkain, lahat sila ay importante. Dahil kung paulit-ulit at pare-parehas lang ang lasa ng niluto mo, nakakaumay na yun masyado.
(9) Walang perpektong recipe. Ang recipe na nagpasarap ng luto ng kapitbahay mo ay maaaring hindi angkop sa panlasa mo, and vice versa. Kanya-kanyang style yan, ayon sa kanya-kanyang panlasa.
(10) Higit sa lahat, bago ka magluto, siguraduhin mo munang handa ka na.
Credit to: Unknown