Lumipas na naman ang mga araw sa aking buhay, naramdaman ko
muli ang pagiisa, pakiramdam na ayaw na ayaw ko na talagang
maramdaman pa, pero sadyang mapaglaro ang tadhana, sadyang
nangyayari ang mga bagay na sa sarili mo, hindi mo iisiping
mangyayari. Minsan pang sinabi kong "Ayaw ko ng magmahal ng
iba, ikaw lang at wala ng iba..." pasasaan pa't sa bawat pag
luha ko'y pumapatak din ang mga pangarap na kapwa naming binuo,
pumapatak hanggang sa bumagsak sa lupa, matutuyo't maglalaho
na tulad ng isang napakagandang panaginip na ngayo'y di mo na
maituloy sapagkat tuluyan ka ng nagising. Oo, tuluyan na akong
nagising sa isang napakagandang panaginip na dumating sa aking
buhay, isang panaginip na pakiwari ko'y di na matatapos pa,
isang panaginip na nagturo sakin kung paano umibig at magmahal,
kung paano lumuha't masaktan. Isang gabi nasabi ko nalang habang
nakaharap ako sa salamin kung san nababanaag ko ang aking sariling
mukha... "Paano ko mabubuhay ng wala siya... Paano ko matitiis
ang sakit na dulot ng kalungkutang bumabalot sa aking buong pag
katao."... maya-maya pa'y dadaloy na naman ang masaganang luhang
animo'y kay tagal ng di nakadidilig sa aking mga mata. Maglalaho
kaya ang bigat sa dibdib ko?...makakaya ko pa kayang muling
magmahal ? ... ilan sa mga katanungan na paulit ulit na gumugulo
sa aking isipan. Pasasaan pa't matatapos din ang gabi ng aking
buhay, pasasaan pa't mauubos din ang luha na naguumapaw sa aking
mga mata. pasaan pa't malalaman ko rin ang kahulugan ng pag-ibig
na matagal ko ng inaasam malaman. lumipas man ang kaligayahan na
dulot niya sa aking buhay, masasabi ko paring isang aral muli sa
akin ang mga pangyayaring ala-ala na lamang ang siyang magiging
tulay upang aking mabalikan. sumasagi parin sa aking ala-ala ang
lahat ng nagdaan sa aming buhay. Ala-alang minsan pa'y nagpatunay
na sa aking buhay, bagama't may kasiyahan at maging kalungkutan,
dadating ang sandaling makararamdam muli ng kapayapaan, kasiyahan
at lalong higit ng pagmamahal...
-- Jay eL