Wagas na Pagmamahal


May mga bagay sa mundo na nakakaya lamang gawin dahil sa pag-ibig, nakakaya lamang tiisin at nakakaya lamang batahin. Nakakatuwang isipin na lahat ng sakripisyo'y nagagawa ng isang nagmamahal, kahit sa ganang kanya'y di niya lubos na malirip na ito'y kaniyang maisasakatuparan. Ano pa't marami parin ang nagtatangkang ipagkaloob ang lahat para sa kanilang minamahal, ibigay ang lahat at di magtira'y isang katibayan lamang na lubos ang pagmamahal na ating nararamdaman sa ating minamahal, maging dahilan man ito ng ating paghihirap, patuloy parin nating ginagawa ang mga bagay na ito, upang sa huli't huli'y wala tayong pagsisihan sa ating mga sarili. 

"Aking ginawa ang nararapat at alam kong lubos ang bagay na ito, upang maramdaman niya sa ganang kanyang sarili na wagas ang aking pagmamahal....."

Tuksuhan, Ligawan at Tampuhan

TUKSUHAN
pounding.rice.galo.b.ocampo.1974.jpg (95878 bytes)
POUNDING RICE, ni Galo B. Ocampo, 1974

The traditional dalagang Pilipina (Filipina maiden) is shy and secretive about her real feelings for a suitor and denies it even though she is really in love with the man.

Tuksuhan lang (just teasing) is the usual term associated with pairing off potential couples in Filipino culture.  This is common among teenagers and young adults.  It is a way of matching people who may have mutual admiration or affection for each other.  It may end up in a romance or avoidance of each other if the situation becomes embarrassing for both individuals.

Tuksuhan (teasing--and a girl's reaction to it) is a means for 'feeling out' a woman's attitude about an admirer or suitor.  If the denial is vehement and the girl starts avoiding the boy, then he gets the message that his desire to pursue her is hopeless.  The advantage of this is that he does not get embarrassed because he has not started courting the girl in earnest.  As in most Asian cultures, Filipinos avoid losing face. Basted (from English busted) is the Tagalog slang for someone who fails to reach 'first base' in courting a girl because she does not have any feelings for him to begin with. 

However, if the girl 'encourages' her suitor (either by being nice to him or not getting angry with the 'teasers'), then the man can court in earnest and the tuksuhan eventually ends.  The courtship then has entered a 'serious' stage, and the romance begins.

A man who is unable to express his affection to a woman (who may have the same feelings for him) is called a torpe (stupid), dungo (extremely shy), or simply duwag (coward).  To call a man torpe means he does not know how to court a girl, is playing innocent, or does not know she also has an affection for him. 

If a man is torpe, he needs a tulay (bridge)--anyone who is a mutual friend of him and the girl he loves--who then conveys to the girl his affection for her.   It is also a way of 'testing the waters' so to speak.  If the boy realizes that the girl does not have feelings for him, he will then not push through with the courtship, thus saving face. 

Some guys are afraid of their love being turned down by the girl.  In Tagalog, a guy whose love  has been turned down by the girl is called sawi (romantically sad), basted (busted), or simply labless (loveless).

LIGAWAN
COURTSHIP IN PHILIPPINE CULTURE
harana.francisco.JPG (31751 bytes)
HARANA, ni Carlos V. Francisco

Panliligaw or ligawan are the Tagalog terms for courtship, which in some parts of the Tagalog-speaking regions is synonymous with pandidiga or digahan (from Spanish diga, 'to say, express').  Manliligaw is the one who courts a girl; nililigawan is the one who is being courted. 
In Philippine culture, courtship is far more subdued and indirect unlike in some Western societies.  A man who is interested in courting a woman has to be discreet and friendly at first, in order not to be seen as too presko or mayabang (aggressive or too presumptuous).  Friendly dates are often the starting point, often with a group of other friends.  Later, couples may go out on their own, but this is still to be done discreetly.  If the couple has decided to come out in the open about their romance, they will tell their family and friends as well. 
In the Philippines, if a  man wants to be taken seriously by a woman, he has to visit the latter's family and introduce himself formally to the parents of the girl.  It is rather inappropriate to court a woman and formalize the relationship without informing the parents of the girl.  It is always expected that the guy must show his face to the girl's family.  And if a guy wants to be acceptable to the girl's family, he has to give pasalubong (gifts) every time he drops by her family's house.   It is said that in the Philippines, courting a Filipina means courting her family as well.
In courting a Filipina, the metaphor often used is that of playing baseball.  The man is said to reach 'first base' if the girl accepts his proposal to go out on a date for the first time.  Thereafter, going out on several dates is like reaching the second and third bases.  A 'home-run' is one where the girl formally accepts the man's love, and they become magkasintahan (from sinta, love), a term for boyfriend-girlfriend. 
During the old times and in the rural areas of the Philippines, Filipino men would make harana (serenade) the women  at night and sing songs of love and affection.  This is basically a Spanish influence.  The man is usually accompanied by his close friends who provide moral support for the guy, apart from singing with him. 
Filipino women are expected to be pakipot (playing hard to get) because it is seen as an appropriate behavior in a courtship dance.   By being pakipot, the girl tells the man that he has to work hard to win her love.  It is also one way by which the Filipina will be able to measure the sincerity of her admirer.  Some courtships could last years before the woman accepts the man's love. 
A traditional dalagang Pilipina (Filipinpa maiden) is someone who is mahinhin (modest, shy, with good upbringing, well-mannered) and does not show her admirer that she is also in love with him immediately.  She is also not supposed to go out on a date with several men.  The opposite of mahinhin is malandi (flirt), which is taboo in Filipino culture as far as courtship is concerned.
After a long courtship, if the couple later decide to get married, there is the Filipino tradition of pamamanhikan (from panik, to go up the stairs of the house), where the man and his parents visit the woman's family and ask for her parents blessings to marry their daughter.  It is also an occasion for the parents of the woman to get to know the parents of the man.

During pamamanhikan, the man and his parents bring some pasalubong (gifts).  It is also at this time that the wedding date is formally set, and the couple become engaged to get married. 



TAMPUHAN
tampuhan-Juan Luna-1895.jpg (160005 bytes)

TAMPUHAN, a classic painting by Juan Luna, 1895.  This painting depicts sweethearts having a lovers' quarrel.

The Tagalog term tampo has no English equivalent.  Magtampo is usually translated as 'to sulk', but it does not quite mean that.  'Sulk' seems to have a negative meaning which is not expressed in magtampo.   It is a way of withdrawing, of expressing hurt feelings in a culture where outright expression of anger is discouraged.  For example, if a child who feels hurt or neglected may show tampo by withdrawing from the group, refusing to eat, and resisting expressions of affection such as touching or kissing by the members of the family.  A woman may also show tampo if she feels jealous or neglected by her beloved.  Tampuhan is basically a lovers' quarrel, often manifested in total silent treatment or not speaking to each other.

The person who is nagtatampo expects to be aamuin or cajoled out of the feeling of being unhappy or left out.  Parents usually let a child give way to tampo before he/she is cajoled to stop feeling hurt. 
Usually, tampo in Filipino culture is manifested in non-verbal ways, such as not talking to other people, keeping to one's self, being unusually quiet, not joining friends in group activities, not joining family outing, or simply locking one's self in his or her room.  

Magiging ayos din ang lahat!


Minsan nasasabi nating dapat ng ihinto itong kalokohan na ito. dapat ko ng kalimutan ang lahat ng mga nagdaan na nagiging dahilan upang magapos ako sa damdaming dapat ay matagal ng nagpalaya sakin. Pero kahit na anong pagtatanggi natin sa ating mga sarili'y patuloy parin itong nanunuot sa ating mga puso, patuloy parin itong nagbibigay dahilan upang muli nating maalala ang lahat ng masasayang oras na kasama mo siya. Siya na minsan pa'y naging mundo mo, na minsan pa'y naging buhay mo. Minsan magagawi ka sa mga lugar na punong puno ng alaala, masasabi mo nalang na.... sayang... Minsan sa paglalakad mo'y maririnig mo ang paborito niyong awitin, mga matatamis na awitin noon na ngayo'y pait na ang dulot at sakit na ang hatid sayong puso. Sa paggising mo sa umaga'y, nasanay ka na na may mga text messages siya sayo, mga morning greetings, agad mong hahanapin ang cellphone mo at maaalalang wala ng ganun at di na mangyayari yon. Mangigiti ka nalang at maya maya'y muling maluluha, mga alaalang palaging nariyan, pilit na sumisiksik sating isipan, na nagpapahirap satin, ngunit palagi nating tatandaan na lahat ng bagay ay lumilipas. Mawawala din ang sakit sa paglipas ng mga panahon, hihilom din ang sugat sating mga puso, muling mababakas ang ngiti sa ating mga labi.

-- Jay el

Walang Makahahadlang...


Habang naghahanap ako ng isang palabas na aking panonoorin ngayong 
araw na ito, humantong ako sa pamagat ng litratong ito at napagisipan kong 
idownload at panoorin, kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman ng 
aking pinapanood ito, sapagka't isa ito sa mga pilikulang nagpaluha sakin. 

kung bakit? 

ito'y dahil narin sa pag-ibig na handang ipakita't iparamdam sa gitna man 
ng apo'y ng isang relasyon. 

Sa mga di pa napanood ito, panoorin niyo na sapagka't masasabi 
kong napakaganda ng pilikulang ito... :)

Mapapanood ang buong palabas dito:

Enjoy :) 

Sino Ang Pipiliin Mo?

MAHAL MO na di ka naman MAHAL o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?

Bata palang ako narinig ko na yang tanong na yan at masasabi ko
sa sarili ko na napakahirap talagang sagutin ang tanong na yan,
pero may mga taong napakadali para sa kanila ang sagutin yan kahit
kagigising lang at tanungin mo niyan eh masasagot kaagad nila ng
walang pagdadalawang isip. Marahil eh alam na nga nila ang sagot
dahil naranasan na nila o kung hindi man, may mga kilala silang
napagdaanan na ang kasagutan sa tanong na yan at yun na ang ginawa
nilang pamantayan pag dating sa pag-ibig. Sa ngayon nais kong maka
tulong sa mga taong hirap parin sa pagsagot sa katanungang iyan.

Maaring ang iba'y nagtatanong sino ka ba at madali para sayong sagutin
ang bagay na yan?, sino ka ba para itimo sa isipan namin ang mga bagay
na tulad niyan?... ang sagot ko,... isa lamang akong umibig, at napag
daanan ang saya at sakit na dulot ng pagmamahal, kung kaya't nais kong
maging praktikal ang mga taong nakakabasa sa blog kong ito, sana nga
kung di man nila maisip ang tama para sa kanilang mga sarili, eh ako
na mismo ang sumagot ng mga iyon.

Balik tayo sa tema at paksa:

Sino Ang Pipiliin Mo? MAHAL MO na di ka naman MAHAL
o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?

Para sa mga taong naghahangad ng pagbabago eh masasabi kong piliin nila
ang pangalawa, yun ay ang MAHAL KA pero di mo naman MAHAL. bakit? dahil
narin sa kanilang sariling pangangailangan bilang tao, simula palang ng
nabuhay tayo at unang nasilayan ang liwanag ng sanlibutan, naramdaman na
natin ang pagmamahal na galing sa ating mga magulang, basic needs kung
baga at bilang isang tao, mahirap talaga mabuhay ng walang nagmamahal,
dahil iba ang pakiramdam ng nagiisa, walang karamay at walang umuunawa
nandyan at pagkapoot, ang kirot at kadalasa'y nagdudulot ng iba't ibang
karamdaman lalo na sa pag-iisip. Pagmamahal, yan ang kailangan ng tao at
kung wala yan, mahirap mabuhay... bakit?, dahil tulad ng pagkain, tubig
at hangin. Ang pag-ibig ay may kakayahang makagawa ng mga bagay na sa
isip natin ay pawang imposible pero nakakaya natin dahil sa pag-ibig.

Isa pang halimbawa kung bakit ikalawa ang dapat piliin ng mga taong nais
ng pagbabago. Yun ay dahil kung may isang taong nagmamahal sayo ng tapat
at handang ibigay o gawin ang lahat para sayo, lalo mong pahahalagahan
ang buhay mo. Bakit? dahil alam natin na ang taong yon ay malulungkot o
magdadalamhati kung may mangyayaring kung ano satin, sa ganung paraan mas
lalo natin masasaisip na tayo'y mahalaga sa mundo at makakapagpasiya tayo
na maging masayang indibiduwal.

Kung pagbabago, ang ikalawa... ngunit dito natin masasabi sating mga sarili
na ang buhay ay walang kasing saya, kung pipiliin natin ang una... Bakit?

Ito ang paliwanag ko sa una, at isa ako sa pumili sa sagot na yan, alam
nating lahat kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal diba? at alam natin ang
bawat kilig at ngiti sa tuwing nakikita natin ang ating mga minamahal, ano
pa't naroon din ang sitwasyon na ang taong 'yon ay di ka minamahal, subalit
mula sa kaibuturan ng iyong puso, ang masilayan lamang siya'y katumbas na ng
langit, at ang pakiramdam na yun ay wala ng mas hihigit pa. bakit? langit na
yun eh, may tataas pa ba? hehe... biro lang. ngunit direct to the point ko
sasabihin na ang ikinasasaya ng ating puso'y katumbas narin ng kasiyahan na
ating pakaiingatan habang tayo'y nabubuhay, yung magmahal ka ng hindi mo
minamahal ay napakahirap, Oo, at may magsasabi na "Natuturuan naman ang puso"
subalit hanggang kelan mo tuturuan ang 'yong puso? hanggang kelan ka luluha
dahil sa maling pagpili, hanggang kelan mo babaunin ang panghihinayang?

Hanggang kelan?

Mahalaga ang magmahal ng tama, dahil mahirap na sa bandang huli ikaw din ang
luluha. sa huli't huli, wala ka rin masisisi, wala karin matatakbuhan at
wala karing mapapala. Ang pagiging masaya sa isang simpleng paraan ay isa
naring napakalaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay hindi naglalaho
hindi napaparam at hindi namamatay sa ating mga puso...

--Jay eL

Yugto ng isang relasyon

Maaring sa simula'y nariyan ang kagalakan sa ating puso, pananabik at kaaliwan na anupa't sa paglipas ng panaho'y unti-unti itong naglalaho at napaparam. Kahit gaano natin binubuksan ang ating pagiisip sa mga bagay na alam nating mali para sa isang relasyon, dumadating talaga ang panahon na kung saa'y di natin maiiwasan. Kahit ano pa man ang mangyari, isa parin ang mahalaga... yun ay yung panahon na naramdaman natin, kung gaano kasaya at kasarap ang magmahal.

Hindi Hadlang...


Marahil ay isa tayo sa mga anak na hindi nakakadama
ng pag-ibig ng ating mga magulang... Pag-ibig na
araw-araw ay  kanilang ipinaparamdam sa atin, upang
kahit papaano'y masuklian di natin ng kahit konting
pagmamalasakit at pagmamahal ang kanilang ginagawa
para lamang sa ating sariling kapakanan. Nariyan ang
ating mga magulang... hirap man, dahil narin sa kanilang
edad ay nagpupursigi upang mabigyan tayo ng pagkain
sa pang-araw araw.... Mahal na Mahal tayo ng ating mga
magulang, kung kaya't bago pa man mahuli ang lahat
sana'y maiparamdam natin sa kanila ang pagmamahal
na kanilang inaasam galing sa atin... Hindi rin hadlang
sa kanila ang kapansanan o ano mang bagay na sa
tingin natin ay mahirap, sa halip, ginagawa nila ang
lahat upang maipadama sa atin ang labis labis na
pagmamahal na kanilang inaalay para lamang sa atin.

Sino Sila ?


Minsan may mga taong dumadating sating buhay
na di natin sinasadya na makagaanan ng loob..
mga taong, nagpapasaya satin at nagiging inspirasyon
sa ating mga buhay. Hindi natin alam kung bakit
nangyayari ang mga bagay na ito, ngunit nagiging
malaking bahagi sila ng ating pagkatao.
Hindi rin nasusukat ang pag-ibig sa bawat
salita na sinasambit ng ating mga labi, 
wala dun ang lalim ng pagmamahal na kaya 
nating ibigay sa tao, sa halip, yun ay
nasa kagustuhan natin, sa pagiisip, sa gawa
na ating pinapahiwatig sa tao at lalong higit,
sa pag-ibig sa ating mga puso.
  

Top 10 Movies na May Kahulugan ng Pag-ibig


Narito ang mga Asyanong palabas na napili ko na 
nagbigay ng Kahulugan ng Pag-ibig...

  • TOP#10 Temptation of the Wolves AKA Romance of Their Own 2004
  • TOP#9 Over The Rainbow 2002
  • TOP#8 My Little Bride 2004
  • TOP#7 Doremifasolasido 2008
  • TOP#6 Only You Can Hear Me / Kimi Ni Shika Kikoenai 2007
  • TOP#5 Windstruck 2004
  • TOP#4 Cyborg Girl 2008
  • TOP#3 Humming 2008
  • TOP#2 Secret 2007
  • TOP#1 My Sassy Girl 2001 


Origami Magic Rose Cube



How to make an Origami Magic Rose Cube. It is a cube that can be transformed into a rose with a few simple moves. 

Green and Red modules are made with the same size of paper. (10cm x 10cm is a good size for this model)
In this model we'll use 6 units (3 of each color)

Designed by Valerie Vann



Note: Masayang makatanggap ng rosas galing sa taong inyong pinakamamahal, pero di ba mas nakakainlove kung mas pinagpaguran ng mga kamay niya ang paggawa ng rosas na gawa sa papel?, di man totoo, pero galing sa puso. :)

No Place...


Bakit ang symbol ng HEART or LOVE ay <3 or less than 3?

Dahil dalawang tao lang dapat ang involved.

MEANING there is no place for the THIRD PARTY, kaya less than 3.

Bong Ong Love Quotes



“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.."
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?.... “Paningin” “Hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila bulag.”

Ang Pag-ibig ay parang Pagluluto

(1) Dapat hindi minamadali. Kasi kapag minadali mo,hindimagiging kasing-sarap ng lutong hinintay at pinag-ukulan ng oras.

(2) Wag masyadong lakasan ang apoy. Ang pagkaing niluto sa low heat ay hindi katulad ng pagkaing niluto sa high heat. Kadalasan, ang niluto sa high heat, akala mo luto na, pero pag hiniwa mo, hilaw pa pala ang loob. (See no. 1)

(3) Maniwala ka sa nanay mo. Siya ang nagluto’t nagpakain sayo mula noon (at maaaring hanggang ngayon), kaya lahat ng pasikot-sikot sa pagluluto, alam niya.

(4) Magtiwala ka sa sarili mo, na kaya mo at kakayanin mo. Pwedeng kabahan at matakot, normal yan.

(5) Pag-ukulan ng oras at atensyon. Dahil kung hindi, maaring masunog at lalo kang mawalan ng kakainin.

(6) Kung pangit ang kinalabasan ng niluto mo, masama ang lasa, nasunog, masyadong hilaw, nasobrahan sa lambot — hindi ibig sabihin ay dapat ka ng tumigil sa pagluluto. Maaari silang magsilbing tanda, para sa susunod mong pagluluto, alam mo na ang dapat (o hindi dapat) mong gawin.

(7) Dapat handa kang mapaso, masunog, matilamsikan ng mainit na mantika, mabuhusan ng kumukulong tubig, at magkapeklat. Tanda yun na minsan mong nilakasan ang loob mo na magluto kahit alam mo ang maaaring maging kapalit.

(8) Importante ang lahat ng lasa. Kahit na sabihin mo pang mapait, maalat, maasim, matamis o sadyang walang lasa ang pagkain, lahat sila ay importante. Dahil kung paulit-ulit at pare-parehas lang ang lasa ng niluto mo, nakakaumay na yun masyado.

(9) Walang perpektong recipe. Ang recipe na nagpasarap ng luto ng kapitbahay mo ay maaaring hindi angkop sa panlasa mo, and vice versa. Kanya-kanyang style yan, ayon sa kanya-kanyang panlasa.

(10) Higit sa lahat, bago ka magluto, siguraduhin mo munang handa ka na.

Credit to: Unknown

Panaginip



Bakit ganon ang panaginip? sa himbing natin
sa buong magdamag maraming nabubuong mga
larawan sa ating isip, tapos maya maya pa'y
yung mga bagay na di mo iniisip ang siyang
nangyayari, sabi nga nila, kabaligtaran
ng tunay na nangyayari ang isang panaginip.
Kadalasan kasi pag tayo'y nananaginip, sa pag
gising natin di na natin matandaan kung ano
nga ba yung napanaginipan natin, minsan natatawa
nalang tayo sating sarili dahil sa tuwing pilit
nating inaalala kung ano ang bagay na yun, mas
lalo nating nalilimutan.


Minsan dumating narin sakin yun, nanaginip ako
isang panaginip na nalimutan ko sa pag gising
ko kaya't di ko tinigilan ang sarili ko para
lang maalala kung ano nga ba yung napanaginipan
ko, sumakit nalang ang ulo ko sa kakaisip kung
ano nga ba yun, maya maya pa'y natawa nalang
ako sa sarili ko dahil di ko namalayan ang oras
at maghahapon na...


Nagbasa nalang ako ng isang libro na nakita ko
sa tabi ng higaan ko, habang binabasa ko'y bigla
na lamang sumagi saking alaala kung ano yung
napanaginipan ko, nalungkot nalang ako at unti-
unting naggilid ang luha sa mga mata ko, minsan
pa'y di ko naisip ang bagay na yun, pero nakita
ko ng malinaw ang pangyayari sa panaginip ko,


Isang babae ang napanaginipan ko, balingkinitan
ang pangangatawan at bahagyang may kahabaan ang
buhok, batid ko kung sino siya, batid ko kung
ano ang nangyari samin, batid ko kung ano ang
mga pinagdaanan ko ng dahil sa kaniya, pero sa
panaginip na yon, naramdaman kong niyakap niya
ko, isang yakap na matagal ko ng inaasam na muli
maramdaman ko ang sarili ko na nakagapos sa kanyang
mga bisig, di ko na inalintana kung sino sino ang
taong nakapaligid samin, di ko na inalam kung ano
ang mangyayari matapos ang pagyakap niya sakin ng
oras na yon, ang alam ko lang, SIYA yon, isang
alaala na ayaw ko ng balikan pa, ngunit dahil sa
isang panaginip muli kong naramdaman ang init ng
yakap niya...


Sa pangyayaring yun, natulala ako, nakita ko
nalang ang sarili kong nakaharap sa salamin,
nalilito sa mga nangyari, nakita ko rin na 
sarado na ang aklat na kanina'y aliw na aliw
kong binabasa...


Ano nga bang meron sa panaginip na yon? ano ang
simula non at ano ang katapusan?......


Ah basta, ang alam ko lang, KABALIGTARAN NG TUNAY
NA PANGYAYARI ANG ISANG PANAGINIP... 

Ang Liham ng Pagibig ng Isang Ama

Isang liham ng pag-ibig na nagmumula sa ating ama, ito'y katha na di ko pagaari ngunit nais kong ibahagi sapagka't ang mensahe nito'y umukit sa aking puso't katauhan... naging inspirasyon ko at naging sandata ko sa kahit ano mang kalungkutan. Sana'y gaya ko'y malaman niyo rin ang kahalagahan ng liham ng Isang Ama...



Maaaring hindi mo ako nakikilala
Pero alam ko ang lahat ng bagay tungkol sa iyo.
(Mga Awit 139:1)
Aking nalalaman ang iyong pag-upo at ang iyong pag-tindig.
Aking nauunawaan ang iyong pagiisip sa malayo.
(Mga Awit 139: 2)
Iyong nalalaman ang lahat ng aking ginagawa.
(Mga Awit 139:3)
Datapwa’t maging iyong buhok ay bilang ko na.
(Mateo 10:30)
At ikaw ay aking nilikha ayon sa aking larawan.
(Genesis 1:27)
Sapagka’t ikaw ay nagmula sa akin.
(Mga Gawa 17:28)
Na ang lahat ng iyo ay alam ko na,
Bago pa man kita iniligay sa tiyan ng iyong ina,
(Jeremias 1:4-5)
Na pinili kita, bago ko pa man planuhin ang paglalang sa mundo.
(Mga Taga-Efeso 1:11)
Na Ikaw ay hindi isang pagkakamali,
Sapagka’t ang lahat ng iyong mga araw at magiging araw ay nasusulat sa aking aklat.
(Mga Awit 139:15-16)
At alam ko kung ano ang eksaktong oras ng iyong kapanganakan at kung saan ka mamumuhay at maninirahan.
(Mga Gawa 17:26)
Ikaw ay aking nilalang na kakilakilabot at kagilagilalas sa lahat ng aking mga nilikha.
(Mga Awit 139:14)
Na nilikha ko ang iyong katawang laman sa loob ng bahay bata ng iyong ina.
(Mga Awit 139:13)
At ikaw ay aking nilabas sa aking tinakdang araw ng iyong kapanganakan.
(Mga Awit 71:6)
Na ako ay inihahambing sa kanilang Amang diablo,
Sapagka’t ako’y hindi nila nakikilala ni ang aking mga utos at gawa.
(Juan 8:41-44)
Na ako ay isang larawang ng tunay at tapat na Pag-Ibig.
(1 Juan 4:16)
Na ito ang aking nais na magbigay ng labis labis na pagmamahal sa iyo.
(1 juan3:1)
Dahil kayo ay aking mga anak,
At ako naman ang inyong Ama.
(1 Juan 3:1)
Na kaya kong magbigay pa ng higit pa sa iyong ama sa lupa.
(Mateo 7:11)
Sapagka’t ako ay perpektong Ama.
(Santiago 1:17)
Sapagka’t sa akin nagmula ang lahat ng sa iyo, at kaya kong ibigay ang lahat ng iyong pangangailangan.
(Mateo 6:31-33)
Ang aking plano para sa iyong kinabukasan ay laging puno ng pag-asa.
(Jeremias 29:11)
Dahil mamahalin kita magpakailanman.
(Jeremias 31:3)
Na ang aking mga saloobin para sa iyo ay hindi mabilang tulad ng buhangin sa dalampasigan.
(Mga Awit 139:17-18)
At ako ay nagagalak sa tuwing kayo ay umaawit para sa akin.
(Zefanias 3:17)
At ako ay hindi hihinto sa pag-gawa ng mabuti para sa iyo.
(Jeremias 32:40)
Sapagka’t ikaw ay aking iniingatang pag-aari.
(Exodo 19:5)
Na aking ninanais na ikaw ay aking itatag ng buong puso at ng aking buong kaluluwa.
(Jeremias 32:41)
At gusto kong ipakita sa iyo ang dakila at mga kagilagilalas na bagay.
(Jeremias 33:3)
Na kung ako’y iyong hahanapin ng buong puso ,
Ako’y iyong masusmpungan.
(Deutoronomyo 4:29)
Maging kalugod-lugod ka sa akin at ibibigay ko ang ninanais ng iyong puso.
(Mga Awit 37:4)
Sapagka’t ako ang yaong makapagbibigay ng iyong mga ninanais.
(Mga Taga-Filipos 2:13)
Sapagka’t kaya kong gumawa ng mas marami kaysa sa iyong palagay.
(Mga Taga-Efeso 3:20)
Sapagka’t ikaw ay aking hihimukin.
(2 Taga Tesalonica 2:16-17)
Na ako din ang iyong Ama na siyang nagbibigay sa iyo ng kapayapaan sa kabila ng lahat ng iyong mga problema.
(2 Mga Taga-Corinto 3-4)
Na kapag ikaw ay bigo,
Ako ay na sa iyo.
(Mga Awit 34:18)
Na Bilang isang pastor na nagdadala ng isang kordero,
Ikaw ay aking dinala malapit sa aking puso.
(Isaias 40:11)
Na isang araw ay aking papahirin
bawa’t luha mula sa iyong mga mata.
(Apokalipsis 21:3-4)
At aking aalisin ang lahat ng iyong naranasang sakit dito sa lupa.
(Apokalipsis 21:3-4)
Ako ang iyong Ama, at mahal kita
kahit na mahal ko ang aking anak na si Hesus.
(Juan 17:23)
Sapagka’t sa pamamagitan ng aking bugtong na anak na si Hesus ay ipinahahayag ko sa iyo ang aking lubos lubos na pag-ibig.
(Juan 17:26)
Na siya ang eksaktong represantasyon ng aking pagiging Ama.
(Mga Hebreo 21:3)
Na siya ay aking isinugo para sa inyo at hindi laban sa inyo.
(Mga Taga-Roma 8:31)
At upang sabihin sa iyo na hindi ko binibilang ang bawat kasalanang iyong ginawa.
(2 Mga Taga-Corinto 5:18-19)
Na ang aking bugtong na Anak na si Hesus ay namatay upang ikaw at ako ay muling magkasundo sa pamamagitan niya.
(2 Mga Taga-Corinto 5:18-19)
Ang kanyang kamatayan ay ang siyang pinaka-dakilang representasyon ng aking pag-ibig para sa inyo.
(1 Juan 4:10)
Na ibinigay ko ang bagay na mahal ko upang makamtan ang iyong pagmamahal.
(Mga Taga Roma 8:31-32)
Na kung tatanggapin mo ang handog ng aking anak na si Hesus, ako naman ay siyang tinanggap mo.
(1 Juan 2:23)
At wala nang sinoman ang makapaghihiwalay sa inyo mula sa akin.
(Mga Taga-Roma 38:39)
Bumalik ka at aking ihahanda ang pinakamalaking kasiyahan sa kalangitan na hindi pa nakikita ninoman.
(Lucas 15:7)
At ako ay laging Ama,
at kailanman ay magiging Ama sa inyo.
(Mga Taga-Efeso 3:14-15)
Ang aking tanong…
Maari ba kitang maging anak?
(1 Juan 12:13)
Maghihintay ako..
(Lucas 15:11-32)

Nagmamahal,
Ang iyong Diyos Ama.

-------------------------------------------------------
English Version:

My Child,
You may not know Me, but I know everything about you. (Psalm 139:1)
I know when you sit down and when you rise up. (Psalm 139:2)
I am familiar with all your ways, (Psalm 139:3)
Even the very hairs on your head are numbered (Matt.10:29-31)
For you were made in My image. (Genesis 1:27)
In Me you live and move and have your being,  (Acts 17:28)
For you are My offspring.  (Acts 17:28)
I knew you even before you were conceived.  (Jer.1:4-5)
I chose you when I planned creation.  (Eph. 1:11-12)
You were not a mistake, for all your days are written in My book.  (Psalm 139:15-16)
I determined the exact time of your birth and where you would live.  (Acts 17:26)
You are fearfully and wonderfully made.  (Psalm 139:14)
I knit you together in your mother’s womb,  (Psalm 139:13)
And brought you forth on the day you were born.  (Psalm 71:6)
I have been misrepresented by those who don’t know Me.  (John 8:41-44)
I am not distant and angry, but am the complete expression of love,  (1 John 4:16)
And it is My desire to lavish My love on you  (1 John 3:1)
Simply because you are My child and I am your Father.  (1 John 3:1)
I offer you more than your earthly father ever could  (Matthew7:11)
For I am the perfect Father.  (Matthew 5:48)
Every good gift that you receive comes from My hand,  (James 1:17)
For I am your provider and I meet all your need.  (Matt. 6:31-33)
My plan for your future has always been filled with hope,  (Jer. 29:11)
Because I love you with an everlasting love.(Jer. 31:3)
My thoughts toward you are countless as the sand on the seashore(Psalm 139:17-18)
And I rejoice over you with singing. (Zeph. 3:17)
I will never stop doing good to you, (Jer. 32:40)
For you are My treasured possession. (Exodus 19:5)
I desire to establish you with all My heart and all My soul (Jeremiah 32:41)
And I want to show you great and marvelous things. (Jeremiah 33:3)
If you seek Me with all your heart, you will find Me. (Deut. 4:29)
Delight in Me and I will give you the desires of your heart, (Psalm 37:4)
For it is I who gave you those desires. (Philippians 2:13)
I am able to do more for you than you could possibly imagine,(Ephesians 3:20)
For I am your greatest Encourager.  (2 Thess. 2:16-17)
I am also the Father who comforts you in all your trouble.  (2 Cor. 1:3-4)
When you are brokenhearted, I am close to you.  (Psalm 34:18)
As a shepherd carries a lamb, I have carried you close to My heart.(Isaiah 40:11)
One day I will wipe away every tear from your eye,  (Rev. 21:3-4)
And I’ll take away all the pain you have suffered on this earth. (Rev. 21:3-4)
I am your Father, and I love you even as I love My Son, Jesus, (John 17:23)
For in Jesus, My love for you is revealed. (John 17:26)
He is the exact representation of My being. (Hebrews 1:3)
He came to demonstrate that I am for you, not against you (Romans 8:31)
And to tell you that I am not counting your sins. (2 Cor. 5:18-19)
Jesus died so that you and I could be reconciled. (2 Cor. 5:18-19)
His death was the ultimate expression of My love for you;  (1 John 4:10)
I gave up everything I loved that I might gain your love. (Romans 8:31-32)
If you receive the gift of My Son Jesus, you receive Me (1 John 2:23)
And nothing will ever separate you from My love again. (Romans 8:38-39)
Come home and I’ll throw the biggest party heaven has ever seen. (Luke 15:7)
I have always been Father, and will always be Father. (Eph. 3:14-15)
My question is, “Will you be My child?” (John 1:12-13)
I am waiting for you. (Luke 15:11-32)

Love, 
Your Dad,
Almighty God.



Kailan...

By: Jay-el


Isang araw sa buhay ko ikaw ay aking napagmasdan,
sa isang bulwagang tahimik, na aking napuntahan,
tibok ng puso ko'y animo'y may kapaligsahan,
mabilis na naramdaman, pagsintang inaasam.


Pagsuyong tinatahak tanging sa panaginip nabubuhay,
sigaw ng katahimikan, di masabi ang tinataglay,
ngiti ng puso kong ito'y sayo lamang idadantay,
pag-ibig na nga ba ito o sadyang pagsintang nagkakulay.


Sa tuwing napagmamasdan malaanghel mong kagandahan,
di mapigil ang damdaming sayo lamang ilalaan,
ngunit batid kong paa kong ito'y nakatanikala,
di ka malapitan hakbang ma'y di ko magawa.


kailan ko mararamdaman ang tamis sa piling mo?,
kailan ko maririnig ang bulong ng pagsuyo?,
kung hanggang sa oras na ito'y di mabigkas ang kataga
pagsintang inaasam, maglalahong parang bula.

Ikaw lamang Pala

Ikaw Lamang Pala, by Babsie Molina and Edith and sung by Dexter narinig kong kinakanta rin ito ng ate ko, bakit alam niya agad eh kakabili ko lang ng CD ni Dexter, nalaman ko na dati pa daw ang kantang ito and he was not the original singer of this song, yet masiyado kong naaliw sa ganda ng song kaya't isinama ko narin ito dito sa Kahulugan ng Pag-ibig... ito ang buong lyrics ng kanta.



Verse I

Tuwang tuwa ng ikaw ay makitang muli,
heto na siguro ang hinihintay na sandali,
sumisikip ang dibdib sa naghalong tuwa't kaba,
paano masasabi ko kaya sayo.

Verse II

Gulong gulo ang isip at palaging naron ka,
dahil nasa puso ay isang kaibigan pala,
lumalakas lang ang loob pag ika'y malayo pa,
akalain ko bang ikaw lamang pala.

Chorus:

Ang hinihintay at hinahanap kung saan-saan,
ang isasama at ihaharap sa kinabukasan,
ang kinakailangan ko ng di na mag-isa,
mula ngayon hanggang katapusan.

Verse III

Tuwang-tuwa at tayo'y nagkausap muli,
heto na siguro pinakahihintay na sandali,
sumisikip ang dibdib sa naghalong tuwa't kaba,
paano ko kaya nasabi sa'yo.

(Ulitin Verse II & Chorus2x)

Yes Jesus Loves Me :)



Kahit na gaano tayo makasalanan, patuloy parin tayong minamahal ng ating Panginoon, kung kaya't 'wag tayong mawalan ng pag-asa, bagkus manumbalik tayo sa kaniyang paanan at tanggapin na tayo'y makasalanan, Ang Diyos ay Pag-ibig (1 Juan 4:16) kung kaya'y ihingi natin ng kapatawaran ang lahat nating kasalanan at manumbalik sa kaniyang paanan upang malinis niya tayo ayon sa (Isaias 1:18)... Pagpalain nawa tayo ng mahal na Panginoon... :)

Logic?

Gustong gusto ko ang pgsagot sa mga Logic, at ang bagay na ito ay talagang challenging kung kaya't narito at isishare ko sa inyo ang dalawang Logic na may connect sa nararamdaman ng isang nagmamahal...



(: n ƃuıssıɯ puɐ ǝʌol uı ƃuıllɐɟ :ʇoƃɐs

Primarital

Isang article na nakuha noong taong 2007 sa isang pahayagan...


If you love someone, when's the right time to sleep with your partner? Should it be after a year of a steady relationship or after a month of having known your lover? Should you go all the way before you walk misty-eyed down the aisle or should it be after your love has been signed in ink and blessed by the church? Is sex, then, a gauge of love? Does love beget sex? Or sex begets love? Tough, huh? I know. Answers vary from what you believe in and stand for? beliefs and principles,which are influenced by your family, friends, and your environment. But with all these, it's you who should draw the line. Not some books.Not some traditions. Not them. But YOU.

True, time plays a significant role in a relationship. You'd get to know your partner's personality through the times you both spend together. But does a longer engagement enable you to know him that well? How about five years of long distance relationship? Would that weigh heavier than five months of constant conversation? Again, situation varies. Time here connotes not the number of years, but it insinuates the quality time you both have after disagreeing to incessantly agree with each other. Assuming you already know him, plus that honest feeling that you love him, should you give your all before saying the scratched line "I do"? Mmm, If you believe in sex as one of the thousand ways to express that vague, mushy feeling called "love", then "I do" agree with you. Love is so abstract? that's actually an underestimation. You ought to let that feeling known to your partner. You ought to concretize love through your actions. Sending romantic text messages through the airwaves is one act of love (a little bit pricey though). Compromises and sacrifices (but not being stupid) are also counted in. Patience and kindness (and among others) sighted in Corinthians 13 are brilliant signs that love is at work. And the list is endless. For so long as you honestly know you're making love with your partner,that's valid. But if you share the night with your boyfriend just to satisfy your oozing carnal desires and to explore your sexuality, that's another story. If you go around telling people you got down with your date since you already love him, but deep inside you know you were racing with your hormones, then, you're cheating yourself! You can fool others, but definitely not yourself. Now, if you had sex with your boyfriend and it turns out you're not meant to grow old together, should you regret those nights? Should you curse your boyfriend? Blame yourself? Question your fate? You should regret it if you let your hormones rule over your rational thinking.

You should blame yourself (not that nasty boyfriend) if you did it for experimentation. You should question your values (not fate) if you weren't honest about yourself. But if you gave your all to him believing he's special, tried to work the relationship out, and you realize you're both better off to say goodbye, then you shouldn't feel less of a person. If you don't end up with him,just be contented because you gave love and you were loved even just fora while. The genuine feelings that painted mem'ries in your heart will make you smile telling your grandkids, Ahh, that guy. Though we didn't end up together, I know we've shared some precious time. So, love expressed through sex before any eternal vows is not immoral.Yanking off every guy you meet and justifying that sexual activities by some im-only-human-bound-to-be-tempted reasons is immoral. Why? Sex is the ultimate act of trust. You just don't trust every hot, sexy guy you had dinner with. Regarding virginity as a gift to your husband, that man is one damn lucky guy! And I salute those who were able to chastise themselves until marriage. Just imagine this. You flash that triumphant smile as you wear that exquisitely designed pure white bridal gown, your proudIy-m-the-first-guy-to-touch-her partner eagerly waiting at the altar, and those impatient I-told-you-that-couple-is-really-meant-for-each-otherwell-wishers standing in every corner all make a near perfect wedding.Don't you think so? It does. It really does. But reality check? Saving yourself for that one true guy is not an assurance that he's going to stick around for as long as you both shall live. If you believe sharing your first night in some fancy island is a promise that he'll be yours until you both lose your teeth, you better wake up.

Virginity does not make up the totality of your being. And if that guy married you for that reason alone, then he's just one of the chauvinistic, egocentric, oh-so-loser guys! You see, when feelings turn cold, love warms it up not sex. When fights heat up, love calms it down not sex. When problems come, love finds a way not sex.
When things go wrong, love understands not sex. When hope is fading, love inspires not sex. When faith is waning, love trusts not sex. At the end of the day, love still prevails.