Panaginip



Bakit ganon ang panaginip? sa himbing natin
sa buong magdamag maraming nabubuong mga
larawan sa ating isip, tapos maya maya pa'y
yung mga bagay na di mo iniisip ang siyang
nangyayari, sabi nga nila, kabaligtaran
ng tunay na nangyayari ang isang panaginip.
Kadalasan kasi pag tayo'y nananaginip, sa pag
gising natin di na natin matandaan kung ano
nga ba yung napanaginipan natin, minsan natatawa
nalang tayo sating sarili dahil sa tuwing pilit
nating inaalala kung ano ang bagay na yun, mas
lalo nating nalilimutan.


Minsan dumating narin sakin yun, nanaginip ako
isang panaginip na nalimutan ko sa pag gising
ko kaya't di ko tinigilan ang sarili ko para
lang maalala kung ano nga ba yung napanaginipan
ko, sumakit nalang ang ulo ko sa kakaisip kung
ano nga ba yun, maya maya pa'y natawa nalang
ako sa sarili ko dahil di ko namalayan ang oras
at maghahapon na...


Nagbasa nalang ako ng isang libro na nakita ko
sa tabi ng higaan ko, habang binabasa ko'y bigla
na lamang sumagi saking alaala kung ano yung
napanaginipan ko, nalungkot nalang ako at unti-
unting naggilid ang luha sa mga mata ko, minsan
pa'y di ko naisip ang bagay na yun, pero nakita
ko ng malinaw ang pangyayari sa panaginip ko,


Isang babae ang napanaginipan ko, balingkinitan
ang pangangatawan at bahagyang may kahabaan ang
buhok, batid ko kung sino siya, batid ko kung
ano ang nangyari samin, batid ko kung ano ang
mga pinagdaanan ko ng dahil sa kaniya, pero sa
panaginip na yon, naramdaman kong niyakap niya
ko, isang yakap na matagal ko ng inaasam na muli
maramdaman ko ang sarili ko na nakagapos sa kanyang
mga bisig, di ko na inalintana kung sino sino ang
taong nakapaligid samin, di ko na inalam kung ano
ang mangyayari matapos ang pagyakap niya sakin ng
oras na yon, ang alam ko lang, SIYA yon, isang
alaala na ayaw ko ng balikan pa, ngunit dahil sa
isang panaginip muli kong naramdaman ang init ng
yakap niya...


Sa pangyayaring yun, natulala ako, nakita ko
nalang ang sarili kong nakaharap sa salamin,
nalilito sa mga nangyari, nakita ko rin na 
sarado na ang aklat na kanina'y aliw na aliw
kong binabasa...


Ano nga bang meron sa panaginip na yon? ano ang
simula non at ano ang katapusan?......


Ah basta, ang alam ko lang, KABALIGTARAN NG TUNAY
NA PANGYAYARI ANG ISANG PANAGINIP...