For Sale


For sale: Ipad Mini 16GB Wifi

Nagamit lang ng less than one month. (Mas matagal pa kaysa sa dalawang linggo niyong relasyon)

100% Working di tulad ng puso mong sawa nang masaktan.

No indention or damage. Wala pang nanakit. Wala pang napapaasa. Hindi pa nabobroken hearted.

Hindi pa nababagsak tulad ng pagkahulog mo sa taong hindi ka naman handang saluhin.

Reason kung bakit ibebenta: Loyalty sa isa. May isa na kasi ako. Hindi ko kayang gamitin ng sabay.

Freebies: 
Matte Screen Protector tulad ng taong tunay naman talagang nagmamahal sayo kaso hindi mo naman nakikita ang halaga.

Ipad Case na nakayakap sa unit upang hindi ito masaktan. Okay lang na siya yung masaktan wag lang yung bagay na mahalaga sa kanya.


© Marcelo Santos III for the original post

Brotherly Love


Natutuwa akong manood ng mga Anime
patungkol sa pagkakaibigan, mga kaibigan
na nagtutulungan sa oras ng pangangailangan
at nagtutulungan kapag may problema,
isa na diyan ang Naruto Shippuden, narito
ang isang Episode patungkol sa magkapatid
na sina Sasuke at Itachi, sa Episode 339
dito mo masusumpungan ang pagmamahal
ng isang nakatatandang kapatid para sa
kaniyang nakababatang kapatid.

"I have told you the whole truth.
I won't have to ever again...
I always lied to you and asked
you to forgive me. Deliberately
keeping you at a distance by my
own hand. All because I didn't
want you to get caught up in any
of this. But now, I believe...
that perhaps you could have changed
Father, Mother, and the rest of
the Uchiha. If I had been open with
you from the start... and looked
you straight in the eyes and told
you the truth, then I wouldn't have
had to stand before you, from above,
as a failure, telling you all of this.
So this time, I want to impart this
truth to you... You don't ever have
to forgive me. And no matter what
you do from here on out, know this...

I will love you always."

-Itachi Uchiha
(Naruto Shippuden Episode 339)

Salapi...


Maraming araw na ang nagdaan ng napagpasiyahan kong
talikuran na ang nakaraan at muling tahakin ang hinaharap.
subalit may isang pangyayari ang di maalis sa aking
isipan, isang pangyayari na alam ko sa sarili ko na may
kasalanan din ako kung bakit di naging sang-ayon sa akin
ang pagkakataon. Minsan napapaisip ako, kung bakit may
mga taong di ka napapahalagahan sa mga nagawa mong bagay
para lang mapasaya sila, may mga tao talagang ganun, pero
di ko akalain na makakasumpong at makakakilala ako ng
isa sa mga 'yon. Meron palang mga tao na di ka kayang
ipaglaban at hindi ka kayang ipagtanggol sa mga tao sa
paligid niya. Nangyayari pala yung ganun. nangyayari pala
sa lahat yun. Kapag nakasumpong ka ng taong ganun,
mapapaisip ka nalang kung saan ka nagkulang. masasambit
mo nalang sa sarili mo kung bakit nangyayari ang mga bagay
na yun. Sa panahon ngayon, mahirap mawalan ng trabaho,
magiging mahirap ang iharap ka ng taong mahal mo sa kaniyang
mga magulang. Takot siya na mapahiya siya sa harapan ng
kaniyang minamahal. Naranasan ko na yun noon pero di ko
naisip na mangyayari uli yung ganun sa isang napakababaw
na dahilan. Kapag wala kang trabaho, wala karin mapapala,
ikakahiya ka ng taong mahal mo at itataboy ka niya upang
makahanap ng taong kaya siyang tustusin at buhayin pag
dating ng panahon. Iiyak ka nalang, pero wala kang magagawa.
Kapag wala kang pera, wala karing kaibigan, at ang pinaka
masaklap ang ipagpalit ka ng taong halos ibigay mo na ang
buong buhay mo mapaligaya mo lang. Masaklap ang katotohanan,
pero yun ang reyalidad ng buhay. Maaring sa iba, wala yun
halaga, makasama lang nila ang mahal nila, wala silang paki
kung wala silang pera, ang nakakalungkot lang, di lahat ng
tao yun ang pananaw sa buhay, dahil sa pera, wala kang mai
pagmamalaki at ikakahiya ka sa harap ng lahat. Nangyari na
yan sa buhay ko noon, sana sa muling pagkatok ng pag-ibig
sa buhay ko, hindi ko na maranasan ang pag-iisa, hindi ko
na maranasan na makasumpong ng taong ikakahiya ako. hindi
ko na maranasan ang itakwil ako dahil sa wala akong
maipagmamalaki sa buhay ko. lalong higit sa lahat ang
ipagpalit ako.

Nararanasan ng iba ang masaklap na pangyayaring ito, Pag-ibig
nga bang matatawag ito? o sadyang sa mundo hindi mahalaga
ang naranasan niyong saya habang kayo'y magkasama, walang
panghihinayang, walang pag-luha o pagtangis man. Takot tayong
suklian ng pagmamahal ang ating minamahal ng walang katumbas
na salapi. Datapuwa't kung tayo'y tunay na nagmamahal, salapi
man ang itumbas sa inyong pagmamahalan, madali niyo tong mata
tanggihan, sapagkat wagas ang inyong pagmamahalan. Walang
katumbas na halaga ang makasama niyo ang inyong minamahal,
ilatag man sa harapan niyo ang buong yaman ng sanlibutan,
di kayo matitinag o ipagpapalit man, sapagkat ang pag-ibig niyo
sa isa't isa ang siyang natatangi niyong pag-asa at kalakasan.
dumating man ang paghihirap sa inyong relasyon, inyo itong
mapapagtagumapayan dahil pag-ibig ang sa inyo'y nananahan.

-- Jay eL

The Story of a Blind Girl


There was a blind girl who hated herself just because she was blind. She hated everyone, except her loving boyfriend. He was always there for her. She said that if she could only see the world, she would marry her boyfriend.

One day, someone donated a pair of eyes to her and then she could see everything, including her boyfriend. Her boyfriend asked her, “now that youcan see the world, will you marry me?”

The girl was shocked when she saw that her boyfriend was blind too, and refused to marry him. Her boyfriend walked away in tears, and later wrote a letter to her saying:

“Just take care of my eyes dear.”

This is how human brain changes when the status changed. Only few remember what life was before, and who’s always been there even in the most painful situations.

Life Is A Gift

Today before you think of saying an unkind word–
think of someone who can’t speak.

Before you complain about the taste of your food–
think of someone who has nothing to eat.

Before you complain about your husband or wife–
think of someone who is crying out to God for a companion.

Today before you complain about life–
think of someone who went too early to grave.

Before you complain about your children–
think of someone who desires children but they’re barren.

Before you argue about your dirty house, someone didn’t clean or sweep–
think of the people who are living in the streets.

Before whining about the distance you drive–
think of someone who walks the same distance with their feet.

And when you are tired and complain about your job–
think of the unemployed, the disabled and those who wished they had your job.

But before you think of pointing the finger or condemning another–
remember that not one of us are without sin and we all answer to one maker.

And when depressing thoughts seem to get you down–
put a smile on your face and thank God you’re alive and still around.

Life is a gift – Live it, Enjoy it, Celebrate it, and Fulfill it.

Paalala at Pagkatuto

Sa pagbabasa ko ng ilan sa mga quotations sa internet, nabasa ko ang dalawang magkaibang quotes na 'to na nagbigay paala-ala sa akin, at isang paraan ng pagkatuto...


"Kung alam mo sa sarili mo na ginawa mo na lahat at wala paring nangyayari, baka panahon na para magkanya-kanya kayo ng landas. Minsan, ang nasirang relasyon ay parang nabasag na salamin. Mas mabuti pang itapon na, kesa masugatan ka ng bubog sa pag-pilit na ayusin ito.

Tanungin mo ang sarili mo. Masasabi mo bang nagawa mo na lahat para maayos ang relasyon nyo? Kung ang sagot ay "Oo", at walang pagbabago, wag ka nang magpakabobo."


"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang."

Ulan...


Tag-ulan na naman, minsan ko narin nakatuwaang maglaro sa
ulan nung ako'y bata pa, isang gigintong ala-ala na napaka
sayang balikbalikan. Maliligo at basang-basa... pero iba
na ngayon. Dati'y rati ang ulan ang siyang nagpapasaya
sa akin, ngayo'y nagdudulot na ng bigat sa aking pakiramdam.
Ilang taon narin ang nakaraan nung una kong naranasan ang
lungkot ng tag-ulan, sa paglipas ng panahon, paulit-ulit ko
paring nararanasan ang pakiramdam na dulot ng ulan na ito...
Natatanong ko nalang sa aking sarili ... "Ano bang mayroon
sa ulan?", hanggang sa likod ng aking sariling kamalayan
ay may sasagot ng "Walang lungkot na dulot ang ulan, sadyang
ang ala-ala lamang ang nagbibigay lungkot dito". Sa tuwing
lumilipas ang mga panahon sa aking buhay, pinipilit kong
muling maging masaya tuwing sasapit ang tag-ulan, gusto kong
bumuhos ang ulan at tuluyang ibagsak ang nakabiting damdamin
na minsan pang naglalaro sa aking gunita. Sa pagmasid ko sa
kawalan, unti-unti kong nakikita ang aking sarili na nilalaro
ang bawat butil ng ulan, pagpatak nito'y nagiging mabisang
sagot sa lahat ng katanungang gumugulo sa aking isipan. Sa
sandaling nawawaglit sa aking ala-ala ang sakit na dulot ng
ulan, siya namang mumunting paghilom ng sugat na nagdulot ng
kapighatian sa aking damdamin. Ano ang tunay na dulot ng ulan?,
Kasiyahan ba? o kalungkutang natatago sa likod ng mumunting
butil ng patak nito. Pero kahit gaano kalakas ang ulan sa
aking buhay, may bahid man ng pait at sakit ang bawat patak
nito, maging latay man ang pagdampi nito sa damdamin ko. Muli
ko parin dadamahin ang lamig nito, lamig na kung saan nagiging
dahilan ng kasiyahan ko. Sa pagtila ng ulan na ito, sisikapin
ko muling ngumiti sa pagtanaw ng isang bahagharing pupukaw
sa lahat ng kalungkutang dulot ng ulan, at minsan pa'y iuusal
ko sa Maykapal ang katagang "Maraming salamat sa ulan, dahil
dito.... ako'y muling Magmamahal"...

-- Jay eL

Paano... ?


Lumipas na naman ang mga araw sa aking buhay, naramdaman ko
muli ang pagiisa, pakiramdam na ayaw na ayaw ko na talagang
maramdaman pa, pero sadyang mapaglaro ang tadhana, sadyang
nangyayari ang mga bagay na sa sarili mo, hindi mo iisiping
mangyayari. Minsan pang sinabi kong "Ayaw ko ng magmahal ng
iba, ikaw lang at wala ng iba..." pasasaan pa't sa bawat pag
luha ko'y pumapatak din ang mga pangarap na kapwa naming binuo,
pumapatak hanggang sa bumagsak sa lupa, matutuyo't maglalaho
na tulad ng isang napakagandang panaginip na ngayo'y di mo na
maituloy sapagkat tuluyan ka ng nagising. Oo, tuluyan na akong
nagising sa isang napakagandang panaginip na dumating sa aking
buhay, isang panaginip na pakiwari ko'y di na matatapos pa,
isang panaginip na nagturo sakin kung paano umibig at magmahal,
kung paano lumuha't masaktan. Isang gabi nasabi ko nalang habang
nakaharap ako sa salamin kung san nababanaag ko ang aking sariling
mukha... "Paano ko mabubuhay ng wala siya... Paano ko matitiis
ang sakit na dulot ng kalungkutang bumabalot sa aking buong pag
katao."... maya-maya pa'y dadaloy na naman ang masaganang luhang
animo'y kay tagal ng di nakadidilig sa aking mga mata. Maglalaho
kaya ang bigat sa dibdib ko?...makakaya ko pa kayang muling
magmahal ? ... ilan sa mga katanungan na paulit ulit na gumugulo
sa aking isipan. Pasasaan pa't matatapos din ang gabi ng aking
buhay, pasasaan pa't mauubos din ang luha na naguumapaw sa aking
mga mata. pasaan pa't malalaman ko rin ang kahulugan ng pag-ibig
na matagal ko ng inaasam malaman. lumipas man ang kaligayahan na
dulot niya sa aking buhay, masasabi ko paring isang aral muli sa
akin ang mga pangyayaring ala-ala na lamang ang siyang magiging
tulay upang aking mabalikan. sumasagi parin sa aking ala-ala ang
lahat ng nagdaan sa aming buhay. Ala-alang minsan pa'y nagpatunay
na sa aking buhay, bagama't may kasiyahan at maging kalungkutan,
dadating ang sandaling makararamdam muli ng kapayapaan, kasiyahan
at lalong higit ng pagmamahal...

-- Jay eL