No Place...


Bakit ang symbol ng HEART or LOVE ay <3 or less than 3?

Dahil dalawang tao lang dapat ang involved.

MEANING there is no place for the THIRD PARTY, kaya less than 3.

Bong Ong Love Quotes



“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para makabuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.."
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?.... “Paningin” “Hindi alam ng mga nakakakita kung kailan sila bulag.”

Ang Pag-ibig ay parang Pagluluto

(1) Dapat hindi minamadali. Kasi kapag minadali mo,hindimagiging kasing-sarap ng lutong hinintay at pinag-ukulan ng oras.

(2) Wag masyadong lakasan ang apoy. Ang pagkaing niluto sa low heat ay hindi katulad ng pagkaing niluto sa high heat. Kadalasan, ang niluto sa high heat, akala mo luto na, pero pag hiniwa mo, hilaw pa pala ang loob. (See no. 1)

(3) Maniwala ka sa nanay mo. Siya ang nagluto’t nagpakain sayo mula noon (at maaaring hanggang ngayon), kaya lahat ng pasikot-sikot sa pagluluto, alam niya.

(4) Magtiwala ka sa sarili mo, na kaya mo at kakayanin mo. Pwedeng kabahan at matakot, normal yan.

(5) Pag-ukulan ng oras at atensyon. Dahil kung hindi, maaring masunog at lalo kang mawalan ng kakainin.

(6) Kung pangit ang kinalabasan ng niluto mo, masama ang lasa, nasunog, masyadong hilaw, nasobrahan sa lambot — hindi ibig sabihin ay dapat ka ng tumigil sa pagluluto. Maaari silang magsilbing tanda, para sa susunod mong pagluluto, alam mo na ang dapat (o hindi dapat) mong gawin.

(7) Dapat handa kang mapaso, masunog, matilamsikan ng mainit na mantika, mabuhusan ng kumukulong tubig, at magkapeklat. Tanda yun na minsan mong nilakasan ang loob mo na magluto kahit alam mo ang maaaring maging kapalit.

(8) Importante ang lahat ng lasa. Kahit na sabihin mo pang mapait, maalat, maasim, matamis o sadyang walang lasa ang pagkain, lahat sila ay importante. Dahil kung paulit-ulit at pare-parehas lang ang lasa ng niluto mo, nakakaumay na yun masyado.

(9) Walang perpektong recipe. Ang recipe na nagpasarap ng luto ng kapitbahay mo ay maaaring hindi angkop sa panlasa mo, and vice versa. Kanya-kanyang style yan, ayon sa kanya-kanyang panlasa.

(10) Higit sa lahat, bago ka magluto, siguraduhin mo munang handa ka na.

Credit to: Unknown