Marahil sa dinadami dami ng ating ginagawa sa pangaraw-araw, sa dinami dami nating nakakatagpo at nakikilalang mga tao sa bawat yugto ng ating buhay, di natin masino at lubos na maunawaan ang dahilan kung bakit ba tayo nakakaranas ng pagluha. Oo, tama! tayo'y mga tao, subalit ang bagay lang bang 'yan ang isang sagot kung bakit tayo lumuluha o umiiyak. masakit isipin na dahil sa pag-ibig nararanasan natin ang bagay na ito, teka, teka, at natatanong niyo kung bakit pag-ibig na naman?... Hahaha, nakakatawa, dahil di mo sukat akalain na pag-ibig na naman ang puno't dulo ng lahat. Ngayon ay dadalhin kita sa isang pagkakataon at yugto ng buhay para makarelate ka naman sa kung ano ang gusto kong iparating sa'yo.
Isipin mo na ikaw ay nasa isang tahimik na lugar at ang tanging naririnig mo lamang ay ang patak ng ulan na pumapatak sa lupa, madilim at ang lugar na nasa sa isip mo ngayon ay ang lugar na talaga namang puno ng ala-ala sa buhay mo. Unti-unting magbabalik sa ala-ala mo ang lahat ng masasayang pagkakataon at panahon na kung saan ay di mo na kaya pang ibalik pa. Ngayon makakarinig ka ng isang himig sa gitna ng ulan, isang awit na napakahalaga sa buhay mo... Ano ang nararamdaman mo ngayon? Masaya ba? o unti-unti mo ng nauunawaan ang gusto kong ipaabot sa'yo ngayon... Ngayon gumising kana sa kamalayan at harapin ang katotohanan na tapos na ang lahat ng 'yon, tapos na ang mga panahon na 'yon at kahit kailan ay di mo na kaya pang ibalik sa isang kisap mata... mapapabuntong hininga ka nalang at malalaman kung bakit pag-ibig parin ang tunay na puno't dulo ng lahat ng bagay.