Brotherly Love


Natutuwa akong manood ng mga Anime
patungkol sa pagkakaibigan, mga kaibigan
na nagtutulungan sa oras ng pangangailangan
at nagtutulungan kapag may problema,
isa na diyan ang Naruto Shippuden, narito
ang isang Episode patungkol sa magkapatid
na sina Sasuke at Itachi, sa Episode 339
dito mo masusumpungan ang pagmamahal
ng isang nakatatandang kapatid para sa
kaniyang nakababatang kapatid.

"I have told you the whole truth.
I won't have to ever again...
I always lied to you and asked
you to forgive me. Deliberately
keeping you at a distance by my
own hand. All because I didn't
want you to get caught up in any
of this. But now, I believe...
that perhaps you could have changed
Father, Mother, and the rest of
the Uchiha. If I had been open with
you from the start... and looked
you straight in the eyes and told
you the truth, then I wouldn't have
had to stand before you, from above,
as a failure, telling you all of this.
So this time, I want to impart this
truth to you... You don't ever have
to forgive me. And no matter what
you do from here on out, know this...

I will love you always."

-Itachi Uchiha
(Naruto Shippuden Episode 339)

Salapi...


Maraming araw na ang nagdaan ng napagpasiyahan kong
talikuran na ang nakaraan at muling tahakin ang hinaharap.
subalit may isang pangyayari ang di maalis sa aking
isipan, isang pangyayari na alam ko sa sarili ko na may
kasalanan din ako kung bakit di naging sang-ayon sa akin
ang pagkakataon. Minsan napapaisip ako, kung bakit may
mga taong di ka napapahalagahan sa mga nagawa mong bagay
para lang mapasaya sila, may mga tao talagang ganun, pero
di ko akalain na makakasumpong at makakakilala ako ng
isa sa mga 'yon. Meron palang mga tao na di ka kayang
ipaglaban at hindi ka kayang ipagtanggol sa mga tao sa
paligid niya. Nangyayari pala yung ganun. nangyayari pala
sa lahat yun. Kapag nakasumpong ka ng taong ganun,
mapapaisip ka nalang kung saan ka nagkulang. masasambit
mo nalang sa sarili mo kung bakit nangyayari ang mga bagay
na yun. Sa panahon ngayon, mahirap mawalan ng trabaho,
magiging mahirap ang iharap ka ng taong mahal mo sa kaniyang
mga magulang. Takot siya na mapahiya siya sa harapan ng
kaniyang minamahal. Naranasan ko na yun noon pero di ko
naisip na mangyayari uli yung ganun sa isang napakababaw
na dahilan. Kapag wala kang trabaho, wala karin mapapala,
ikakahiya ka ng taong mahal mo at itataboy ka niya upang
makahanap ng taong kaya siyang tustusin at buhayin pag
dating ng panahon. Iiyak ka nalang, pero wala kang magagawa.
Kapag wala kang pera, wala karing kaibigan, at ang pinaka
masaklap ang ipagpalit ka ng taong halos ibigay mo na ang
buong buhay mo mapaligaya mo lang. Masaklap ang katotohanan,
pero yun ang reyalidad ng buhay. Maaring sa iba, wala yun
halaga, makasama lang nila ang mahal nila, wala silang paki
kung wala silang pera, ang nakakalungkot lang, di lahat ng
tao yun ang pananaw sa buhay, dahil sa pera, wala kang mai
pagmamalaki at ikakahiya ka sa harap ng lahat. Nangyari na
yan sa buhay ko noon, sana sa muling pagkatok ng pag-ibig
sa buhay ko, hindi ko na maranasan ang pag-iisa, hindi ko
na maranasan na makasumpong ng taong ikakahiya ako. hindi
ko na maranasan ang itakwil ako dahil sa wala akong
maipagmamalaki sa buhay ko. lalong higit sa lahat ang
ipagpalit ako.

Nararanasan ng iba ang masaklap na pangyayaring ito, Pag-ibig
nga bang matatawag ito? o sadyang sa mundo hindi mahalaga
ang naranasan niyong saya habang kayo'y magkasama, walang
panghihinayang, walang pag-luha o pagtangis man. Takot tayong
suklian ng pagmamahal ang ating minamahal ng walang katumbas
na salapi. Datapuwa't kung tayo'y tunay na nagmamahal, salapi
man ang itumbas sa inyong pagmamahalan, madali niyo tong mata
tanggihan, sapagkat wagas ang inyong pagmamahalan. Walang
katumbas na halaga ang makasama niyo ang inyong minamahal,
ilatag man sa harapan niyo ang buong yaman ng sanlibutan,
di kayo matitinag o ipagpapalit man, sapagkat ang pag-ibig niyo
sa isa't isa ang siyang natatangi niyong pag-asa at kalakasan.
dumating man ang paghihirap sa inyong relasyon, inyo itong
mapapagtagumapayan dahil pag-ibig ang sa inyo'y nananahan.

-- Jay eL