Walang Makahahadlang...


Habang naghahanap ako ng isang palabas na aking panonoorin ngayong 
araw na ito, humantong ako sa pamagat ng litratong ito at napagisipan kong 
idownload at panoorin, kakaibang pakiramdam ang aking naramdaman ng 
aking pinapanood ito, sapagka't isa ito sa mga pilikulang nagpaluha sakin. 

kung bakit? 

ito'y dahil narin sa pag-ibig na handang ipakita't iparamdam sa gitna man 
ng apo'y ng isang relasyon. 

Sa mga di pa napanood ito, panoorin niyo na sapagka't masasabi 
kong napakaganda ng pilikulang ito... :)

Mapapanood ang buong palabas dito:

Enjoy :) 

Sino Ang Pipiliin Mo?

MAHAL MO na di ka naman MAHAL o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?

Bata palang ako narinig ko na yang tanong na yan at masasabi ko
sa sarili ko na napakahirap talagang sagutin ang tanong na yan,
pero may mga taong napakadali para sa kanila ang sagutin yan kahit
kagigising lang at tanungin mo niyan eh masasagot kaagad nila ng
walang pagdadalawang isip. Marahil eh alam na nga nila ang sagot
dahil naranasan na nila o kung hindi man, may mga kilala silang
napagdaanan na ang kasagutan sa tanong na yan at yun na ang ginawa
nilang pamantayan pag dating sa pag-ibig. Sa ngayon nais kong maka
tulong sa mga taong hirap parin sa pagsagot sa katanungang iyan.

Maaring ang iba'y nagtatanong sino ka ba at madali para sayong sagutin
ang bagay na yan?, sino ka ba para itimo sa isipan namin ang mga bagay
na tulad niyan?... ang sagot ko,... isa lamang akong umibig, at napag
daanan ang saya at sakit na dulot ng pagmamahal, kung kaya't nais kong
maging praktikal ang mga taong nakakabasa sa blog kong ito, sana nga
kung di man nila maisip ang tama para sa kanilang mga sarili, eh ako
na mismo ang sumagot ng mga iyon.

Balik tayo sa tema at paksa:

Sino Ang Pipiliin Mo? MAHAL MO na di ka naman MAHAL
o MAHAL KA pero di mo naman MAHAL?

Para sa mga taong naghahangad ng pagbabago eh masasabi kong piliin nila
ang pangalawa, yun ay ang MAHAL KA pero di mo naman MAHAL. bakit? dahil
narin sa kanilang sariling pangangailangan bilang tao, simula palang ng
nabuhay tayo at unang nasilayan ang liwanag ng sanlibutan, naramdaman na
natin ang pagmamahal na galing sa ating mga magulang, basic needs kung
baga at bilang isang tao, mahirap talaga mabuhay ng walang nagmamahal,
dahil iba ang pakiramdam ng nagiisa, walang karamay at walang umuunawa
nandyan at pagkapoot, ang kirot at kadalasa'y nagdudulot ng iba't ibang
karamdaman lalo na sa pag-iisip. Pagmamahal, yan ang kailangan ng tao at
kung wala yan, mahirap mabuhay... bakit?, dahil tulad ng pagkain, tubig
at hangin. Ang pag-ibig ay may kakayahang makagawa ng mga bagay na sa
isip natin ay pawang imposible pero nakakaya natin dahil sa pag-ibig.

Isa pang halimbawa kung bakit ikalawa ang dapat piliin ng mga taong nais
ng pagbabago. Yun ay dahil kung may isang taong nagmamahal sayo ng tapat
at handang ibigay o gawin ang lahat para sayo, lalo mong pahahalagahan
ang buhay mo. Bakit? dahil alam natin na ang taong yon ay malulungkot o
magdadalamhati kung may mangyayaring kung ano satin, sa ganung paraan mas
lalo natin masasaisip na tayo'y mahalaga sa mundo at makakapagpasiya tayo
na maging masayang indibiduwal.

Kung pagbabago, ang ikalawa... ngunit dito natin masasabi sating mga sarili
na ang buhay ay walang kasing saya, kung pipiliin natin ang una... Bakit?

Ito ang paliwanag ko sa una, at isa ako sa pumili sa sagot na yan, alam
nating lahat kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal diba? at alam natin ang
bawat kilig at ngiti sa tuwing nakikita natin ang ating mga minamahal, ano
pa't naroon din ang sitwasyon na ang taong 'yon ay di ka minamahal, subalit
mula sa kaibuturan ng iyong puso, ang masilayan lamang siya'y katumbas na ng
langit, at ang pakiramdam na yun ay wala ng mas hihigit pa. bakit? langit na
yun eh, may tataas pa ba? hehe... biro lang. ngunit direct to the point ko
sasabihin na ang ikinasasaya ng ating puso'y katumbas narin ng kasiyahan na
ating pakaiingatan habang tayo'y nabubuhay, yung magmahal ka ng hindi mo
minamahal ay napakahirap, Oo, at may magsasabi na "Natuturuan naman ang puso"
subalit hanggang kelan mo tuturuan ang 'yong puso? hanggang kelan ka luluha
dahil sa maling pagpili, hanggang kelan mo babaunin ang panghihinayang?

Hanggang kelan?

Mahalaga ang magmahal ng tama, dahil mahirap na sa bandang huli ikaw din ang
luluha. sa huli't huli, wala ka rin masisisi, wala karin matatakbuhan at
wala karing mapapala. Ang pagiging masaya sa isang simpleng paraan ay isa
naring napakalaking dahilan kung bakit ang pag-ibig ay hindi naglalaho
hindi napaparam at hindi namamatay sa ating mga puso...

--Jay eL