Hindi Hadlang...


Marahil ay isa tayo sa mga anak na hindi nakakadama
ng pag-ibig ng ating mga magulang... Pag-ibig na
araw-araw ay  kanilang ipinaparamdam sa atin, upang
kahit papaano'y masuklian di natin ng kahit konting
pagmamalasakit at pagmamahal ang kanilang ginagawa
para lamang sa ating sariling kapakanan. Nariyan ang
ating mga magulang... hirap man, dahil narin sa kanilang
edad ay nagpupursigi upang mabigyan tayo ng pagkain
sa pang-araw araw.... Mahal na Mahal tayo ng ating mga
magulang, kung kaya't bago pa man mahuli ang lahat
sana'y maiparamdam natin sa kanila ang pagmamahal
na kanilang inaasam galing sa atin... Hindi rin hadlang
sa kanila ang kapansanan o ano mang bagay na sa
tingin natin ay mahirap, sa halip, ginagawa nila ang
lahat upang maipadama sa atin ang labis labis na
pagmamahal na kanilang inaalay para lamang sa atin.

Sino Sila ?


Minsan may mga taong dumadating sating buhay
na di natin sinasadya na makagaanan ng loob..
mga taong, nagpapasaya satin at nagiging inspirasyon
sa ating mga buhay. Hindi natin alam kung bakit
nangyayari ang mga bagay na ito, ngunit nagiging
malaking bahagi sila ng ating pagkatao.
Hindi rin nasusukat ang pag-ibig sa bawat
salita na sinasambit ng ating mga labi, 
wala dun ang lalim ng pagmamahal na kaya 
nating ibigay sa tao, sa halip, yun ay
nasa kagustuhan natin, sa pagiisip, sa gawa
na ating pinapahiwatig sa tao at lalong higit,
sa pag-ibig sa ating mga puso.
  

Top 10 Movies na May Kahulugan ng Pag-ibig


Narito ang mga Asyanong palabas na napili ko na 
nagbigay ng Kahulugan ng Pag-ibig...

  • TOP#10 Temptation of the Wolves AKA Romance of Their Own 2004
  • TOP#9 Over The Rainbow 2002
  • TOP#8 My Little Bride 2004
  • TOP#7 Doremifasolasido 2008
  • TOP#6 Only You Can Hear Me / Kimi Ni Shika Kikoenai 2007
  • TOP#5 Windstruck 2004
  • TOP#4 Cyborg Girl 2008
  • TOP#3 Humming 2008
  • TOP#2 Secret 2007
  • TOP#1 My Sassy Girl 2001